r/PHRunners • u/Holiday-Golf582 • 6h ago
Others First Marathon Experience
Hi guys gusto ko lang mag share ng experience sa first marathon.
12 weeks training sched.
3x runs per week
Long runs
Week 1 - 20km
Week 2 - 24km
Week 3 - 18km
Week 4 - 20km
Week 5 - 24km
Week 6 - 28km
Week 7 - 24km
Week 8 - 22km
Week 9 - 37km (non stop)
Week 10 - 28km
Week 11 - 20km
Week 12 - 12km
Race Week
Short runs - 10-12km average
I practiced my nutrition every long run, gels + salt stick every 25-30mins. After runs, protein shake + kain agad para sa recovery. Tapos dynamic stretching sa bahay.
Importante ang tapering, para sure na fresh legs sa race. (Normal na ma feel mo na parang tingin mo hindi enough yung ginagawa mo dahil sa bawas na yung distances)
Nag cross train din ako minsan sa indoor bike if di kaya tumakbo dahil sa work. Ratio 1km cycling is to 3km running. Maganda din siya gawin dahil low impact tapos okay pa para sa muscle recovery.
During race pinilit kong wag sumabay sa adrenaline ng lahat, always checked my watch to make sure I am doing my pace correctly.
May dala din akong crampfix (nagamit ko nung 35km medyo nakaramdam ng paumpisa na cramp pero nawala agad after uminom).
My second half was faster than the first half, maganda talaga na hindi ka pupush ng sobra sa start para malakas ka pa sa 30-35km kung saan yung wall. Last 2km naibaba ko pa yung pace ko siguro mga 5:30 something para strong finish.
Sana maka help!
