r/PWDPhilippines • u/apolloxathenamom • 2d ago
Mercury Drug C. Raymundo Pasig branch refused to apply PWD Discount sa mga OTC medicines
Just this afternoon kasama ko yung 7 year old ausome kid ko and 2 year old toddler sa Mercury Drug. Di na ako pumunta sa mismong counter since yung mga medicines na kinuha ko eh nasa estante lang (Tempra, Disudrin and Alnix) after that nagbayad na ako sa counter nila malapit sa door. Pinakita ko na PWD id ng anak ko and lalabas ko sana booklet nya pero sabi ng cashier eh kelangan ng reseta para ma-apply yung discount. Sabi ko wala akong dala since for fever at sipon lang naman tong mga gamot and eto lagi nirereseta sa kanya ng pedia nya. Btw, nasa booklet din nakalagay mga gamot nya sa mga previous transactions sa mga pharmacy. Ininsist nya na di nga daw at kelangan recent na reseta para iapply yung discount. Di na ako nakipagtalo at nagbayad na. Pagkauwi namin chineck ko online and naconfirm nga na di na kelangan ng reseta for OTC medicines. Agad akong tumawag sa branch and ayun nga navictim blaming pa ako kasi sabi bakit dun dw ako nagbayad dapat daw sa mismong counter kung saan andun mga prescrived medicines. Nag explain ako at ayun nauwi sa pinabalik kami dalhin daw resibo, id at booklet at yung supposed pwd discount eh kelangan iconsume nalang daw for other items. Di ako pumayag sabi ko i-cash nila since cash naman binayad ko at sila naman may pagkakamali. Ayun, asawa ko nalang pinabalik ko at ibinalik nila in cash yung pwd discount. Haaaay, ang hassle lang kasi d pa rin calibrated sa training about PWD discount mga cashiers kahit sa malaking pharmacy na nagwowork.