Currently turning 32 years old, and I'm working in the telecommunications field industry here in the Philippines. Just to clarify, this is not a BPO job. My work is more on the technical/field operations and project management side.
My current gross salary is around ₱50,000 per month, with a net take-home pay of approximately ₱42,000 per month.
Lately, napapaisip ako kung may magandang future pa ba ako sa current career ko. Walang kasiguraduhan kung kailan magkakaroon ng salary increase sa company namin. Sinubukan ko na rin mag-apply sa ibang companies, pero karamihan ng offers ay mas mababa sa current salary ko. Yung mga mas mataas naman, either hindi tugma sa skills and experience ko o hindi ako nakakapasa.
Kaya naisipan kong subukan mag-apply bilang factory worker sa Taiwan. Sa mga nababalitaan ko, may yearly salary increase, overtime opportunities, at mas malaking chance na makaipon.
Pero malaking decision ito dahil from technical/field work, lilipat ako sa factory work. Hindi rin biro ang paglayo sa pamilya at ang hirap ng trabaho abroad.
Gusto ko lang malaman kung worth it pa bang mag-risk at magsimula ulit sa edad na 32.
Sa mga currently working or dating nagtrabaho sa Taiwan:
- Magkano ang realistic na naiipon monthly after expenses?
- Totoo bang may yearly salary increase?
- Gaano kabigat ang trabaho bilang factory worker?
- Sa current salary kong ₱42K net, worth it bang makipagsapalaran sa Taiwan?
- Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, aalis ba kayo o mag-stay na lang sa Pilipinas?
Hindi naman ako naghahangad ng marangyang buhay. Gusto ko lang magkaroon ng mas magandang financial stability at makapag-ipon para sa future. Lalo na kung ano ano nangyayari sa economy ng pilipinas ngayon.
Honest opinions and real experiences are highly appreciated. Mas gusto kong malaman ang realidad kaysa puro positive stories lang. Salamat!