im already crying hindi pa ako natatapos, hello docs! i just want to vent out kasi wala talagang nakakaintindi ng struggle dito sa dent school.
ive been studying since 2021 but due to mental health problems nag stop ako for a year and i switched schools. well expected naman nang iba curriculum so na-retain ako sa year 3 even though tapos ko na siya sa previous school ko, nag take ako risk kasi hindi talaga maganda exp ko sa previous school.
pero ngayon, nagsisisi akong nag stop ako. nagsisisi akong lumipat pa ako, yung friends ko graduating na sila tapos ako hindi pa ako mag cclinic 1 next year. possibly 2028 pa, pagod na pagod na akong maghabol, pagod na pagod na akong ma-disappoint, pagod na akong parang walang usad buhay ko. pag iniisip ko kailan ako ggraduate and boards…. sobrang tagal pa. gusto ko na tumulong sa family ko kasi grabe rin naman talaga financial burden sa school, tapos ang layo ko pa.
minsan iniisip ko, sana pinilit ko nalang sarili ko mag aral kahit bagsak bagsak na ko emotionally.
parang walang saysay na i already have 2 years of work exp in the dental industry (as an assistant lang) pero wala akong nararating…. pagod na akong mag pack up ng ginamit ng mga dentist, when will it be my turn?
grabe yung emotional struggle, i feel like such a failure. wala naman akong choice but to go on pero ang sakit sakit para sakin na makita yung friends ko in HS succeeding na in life, my college friends about to graduate and here i am, starting out palang. sana hindi ko na maisip yung tagal, sana hindi ko maisip na may judgement sakin, i wish hindi ko kasama tong mental disorder kasi hindi siya nakakatulong when i have moments like this.
im so scared na sa sobrang disappointment ko, i might do something to harm myself kasi sobrang exhausted na talaga ako sa buhay ko. i wish to survive this year.