r/AskPinay • • 16h ago

WOMEN ONLY: Question Gurlies who started doing 10km walking, what differences in your body did you notice?

64 Upvotes

For me, mas confident ako maglakad, dati palamya lamya ako. Mas may balance na ako ngayon and yung face ko napansin ko na less bloated na though I only started 1 week ago and twice a week only.


r/AskPinay • • 17h ago

WOMEN ONLY: Fashion & Bodywear Do you ever go out in public without a bra and nip tapes?

68 Upvotes

So I recently tried it out in Makati. I only wore a pink fitted tank top without any padding or nipple tape. It was liberating. There were some stares, but nobody really approached me.

Do you ever do that? What was the reaction of people you encountered?


r/AskPinay • • 4h ago

WOMEN ONLY: Question Why may mga girls na poser?

4 Upvotes

Mga ate, can you please enlighten me?

May one girl ako na acquaintance and we exchanged socials. She accepted my follow request. Then upon checking her profile picture, I thought wow so estetik and pretty ng place. Plot twist, it wasn't her. I checked the height of the girl – that girl was tall (she's tall as me na five foot flat lng)!!! Then yung backdrop nya on that profile picture is a cathedral in Ecuador nung ni-lens ko. Nakalagay pa sa IG bio nya is REAL AND ONLY ACCOUNT.

Another thing, nag-story sya ng naka-jacket of Nike brand. It was a cheek seen only then till chest na picture but side view yun and kita naman arms of that jacket. Nakita ko jaw nung sa pic, it wasn't her. Wala nga syang jawline eh. Ni-lens ko ulit and it's from a girl in SoKor.

Questions are: Why is she doing that? To deceive us (she got 1.1k followers)? To cope? Her insecurities speaking or is it a mental issue? Genuinely curious lng and no hate towards her naman.


r/AskPinay • • 8h ago

WOMEN ONLY: Fashion & Bodywear How do you diversify your clothes?

6 Upvotes

I REALLY need advice and tips here 😭 I keep buying comfy clothes as a lamigin girlie and most of then I cant wear pag may biglaang events or ganap where I need more elevated looks :(( I have no problems naman about shoes or accessories, it’s really just clothes I need help with kasi I end up drawn to what I feel would be comfy every time I shop for clothes 😭 how do yall plan/pick/buy clothes for every occasion?


r/AskPinay • • 10h ago

WOMEN ONLY: Question Sa mga maliliit ang dede dyan, saan kayo bumibili ng effective na push up bra?

2 Upvotes

Pagod na kong maipit lang yung dede ko, hindi naman umaangat? HAHAHAHAHAHAHAHA alam ko meron siyang iaangat kasi I can do it with my hands. And it looks good kapag ganoon. So bakit fail yung mga bra na nabibili ko 😭 salamat.


r/AskPinay • • 15h ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating How should I perceive and deal with this situation?

4 Upvotes

Hello po, gusto ko (M) lang tanungin kung mali ba ung pagiisip ko at ung nararamdaman ko. Indi ko alam kung tamang sub ba ung tatanungan ko pero I want some perspectives.

For context, kaka 1 year lang namin ng partner (F) ko pero dati na kaming magkakilala. Meron siyang naging ex na fond sa aso nya. Never ako nagkaroon ng pets kaya hindi ako ganun ka-affectionate towards pets. Pero, I have no problem naman, and I show interest since it is something she loves.

Last year, the guy messaged her na papadalhan nya ng regalo ung aso and kung okay lang ba na gawin un. Pumayag siya, and ako naman okay lang sakin since starting palang naman kami and tingin ko wala namang malisya. However, upon receiving the gift, meron rin siyang natanggap na regalo and still I don't see any malice, but it did bother me. I talked to her about it and she reassured me naman.

Advancing to the present. The guy asked her kung okay lang bang regaluhan ulet ung aso and she agreed. This time, however, I felt more bothered, especially na unexpected pumunta ung guy sa bahay nila to give the gift, with her family also receiving gifts. Kahit siya rin nabother about the act, and she ranted to me and hated the guy for it.

This made me think na may gusto parin sakanya ung ex nya after all this time, adding to the fact na minsan nagpaparinig ung guy as they are still friends on socmed.

Now, ever since that event, it made me think na baka paulit-ulit na mangyari un in this time of the year. So, I told her what I was feeling and even asked her if she could ask the guy to stop giving gifts, be it for her dog or anyone of her family. Her response was vague dahil iniisip nya rin daw ung mararamdaman nung ex nya, plus sabi nya I can just think of it like two divorced people caring for their child.

Sa isip-isip ko, parang may mali dun sa analogy since hindi naman nanggaling sa kanilang dalawa ung aso. So in the end, sinabi ko nalang sa kanya na I give her the option kung gagawin nya ba ung sinabi ko or let the guy do this thing every november-december.

I feel hurt kaya iniisip kong may mali. Pero baka makatulong kayo, from a woman's perspective, since baka mali naman ung naging conclusion ko or ung sinabi ko sa kanya.


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating Kailangan ba nakikita ko yung partner ko sa future as someone na papakasalan ko to call it serious?

17 Upvotes

Andami kasing talks about having to see yourself with your partner in the future-married and/or with kids. Personally sa dating life ko i never saw anyone as my potential husband/wife or a life long partner. I just saw them as someone i care,love,and adore at the present and hopefully it works out in good terms, even if it ends. Advice din sakin na hanapin ko ung mabuting mapapangasawa according sa mga mas nakakatanda, eh wala panaman sa plano ko magpakasal at magkaanak huhu. Kailangan ba yung partner ko nakikita ko as my potential spouse to call it serious and not a waste of time? For me dating is just enjoying each others time and loving wholeheartedly until it eventually works out wether its short or longlived...


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Question Why do some men think women expire at 25 while they magically peak at 35?

213 Upvotes

I was scrolling through Threads when I came across a comment claiming that women peak at 19–25, while men peak at 35 and above.

Napaisip lang ako kasi I’m turning 30 in two years.

Apparently, women in their 30s are expected to compete with women in their early 20s for male attention.

But as women, do we collectively agree that men are at their most desirable at 35 and above? Kasi parang sila-sila lang naman ang nagdedecide kung kailan ang peak nila, without even considering women’s preferences. Hahahaha.

Curious ako, especially sa mga Pinay in their early 20s. Are men aged 35 and above really your preference?

And to women in their 30s and above, what are your thoughts on this whole “peak age” narrative?

I’ll post the screenshot in the comments.


r/AskPinay • • 21h ago

WOMEN ONLY: Question Para sa mga naging nanay na, may permanent effect ba yung post partum on the way you think of your kids?

4 Upvotes

Ang random di ko alam baket pero puro mga mothers at young age nasa fyp ko, di naman sobrang bata na minor ah pero yung tipo na ka-edaran ko palang na magsisimula pa lang career ko habang sakanila is motherhood na at may inaalagaan. What made me curious is panay flex sila ng anak nila online like they won in a lottery? O parang mother instincts to na parang ito kasi yung pinaka valuable nila?
Or personal preference ba to? If gusto ko magkaron ng sangol baka niece & nephew lang yung pwede ko ibalik lol


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating Are u still mutuals on socials with the guys you used to date/went out on a date with?

31 Upvotes

Title*** or you remove them as your follower nalang? Hahahaha


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Question itutuloy/tinutuloy niyo pa ba yung kiss once u smell their bad breath? if yes, bakit? hahahaha jk

22 Upvotes

justt a silly question🤣 as someone who's never been kissed, napaisip lang ako HAHAHAHA paano kapag we're about to kiss na tapos biglang naamoy ko yung hininga tas nasuka ako HAHAHAHAHAH WTF sori random tots lang


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating Sa mga babaeng nagbigay ng second chance after cheating, paano niyo hinarap ang katotohanang hindi naman pala talaga sila nagbago?

12 Upvotes

I recently ended my relationship, and finally, nalaman ko na rin yung katotohanan tungkol sa taong minahal, inalagaan, at pinagkatiwalaan ko for almost half of my life.

For the past few weeks, I’ve been seeking professional and spiritual help. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming pagkakataon na sinisi ko yung sarili ko at inisip kung saan ako nagkulang.

Sinubukan kong magkaroon kami ng final closure dahil gusto kong malaman lahat-lahat ng totoo. Ewan ko, ganito kasi talaga ako. Gusto kong malaman ang buong katotohanan kahit gaano pa kasakit dahil naniniwala ako na ito yung magpapalaya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa mabuhay na maraming unanswered questions.

Hindi siya pumayag na magkita kami in person, pero nag-reply siya sa chat ko at finally, sinabi niya yung mga bagay na matagal niyang itinago sa akin.

Nung unang beses kaming naghiwalay dahil sa ibang babae, on our third year of being together, hindi raw sila nagkatuluyan dahil umuwi sa probinsya yung babae at pinili ang pamilya niya. Inamin niyang bumalik siya sa akin dahil malungkot siya nung mga panahong iyon at sigurado siyang tatanggapin ko ulit siya.

Nagkabalikan kami at tumagal pa ng 10 years ang relationship namin. Buong akala ko pareho na naming nalampasan yung nangyari noon. Pinilit niyang makuha ulit yung tiwala ko. Binigay niya pa lahat ng passwords sa accounts niya para raw sa peace of mind ko.

Hindi ko alam na yung pagbabalik niya pala sa akin ay hindi dahil ako talaga ang pinili niya, kundi dahil alam niyang tatanggapin ko siya.

Naging confident ako na hindi na niya uulitin yung ginawa niya noon dahil may access naman ako sa accounts niya.
Pero after 10 years of being together again, ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga naputol yung communication nila. Sa ibang messaging app pala sila nag-uusap nang wala akong kaalam-alam.

Naging takbuhan daw nila ang isa’t isa kapag may problema sa buhay. Nag-uusap, nagvi-video call, nagko-comfort sa isa’t isa, at pinag-uusapan pa nila yung panghihinayang nila na hindi sila nagkatuluyan.

Nag-confess din siya na mahal pa rin daw niya yung babaeng yun, pero bilang kaibigan na lang. Eventually, naging casual na lang daw yung communication nila. Nagbabatian sila tuwing birthday. Wala lang daw sa kanya yun dahil wala naman na raw siyang balak balikan yung babae.

Tuwing may problema yung babae sa boyfriend niya, mine-message pa rin daw siya nito at kino-comfort naman niya.

Ang hindi ko maintindihan, kung wala lang pala sa kanya lahat ng yun, bakit kailangan niyang itago sa akin? Knowing na yung babaeng yun mismo ang naging dahilan ng unang paghihiwalay namin at alam niya kung gaano ako nasaktan noon.

Whenever I expressed my discomfort tungkol sa babaeng yun, ako pa yung lumalabas na sobrang selosa at walang tiwala. Hindi pa ba raw ako masaya na bumalik siya sa akin?

Pinagdudahan ko pa yung sarili ko kung unreasonable ba talaga ako. Yun pala, may dahilan naman pala yung nararamdaman ko all those years.

Imagine, 10 years kong inakalang pareho naming piniling mag-move forward mula sa nangyari noon, yun pala patuloy pa rin niyang pinapanatili yung connection niya sa mismong babaeng naging dahilan ng unang paghihiwalay namin.

Sa loob ng sampung taon, pinagkatiwalaan, minahal, inalagaan, at dinamayan ko siya sa mga problema niya sa buhay. Hindi ko alam na may iba pa pala siyang taong tinatakbuhan. Habang ako, buong akala ko pareho naming piniling ayusin at ipaglaban yung relationship namin.
Inamin din niya na matagal na raw may kulang sa nararamdaman niya para sa akin, kaya naghahanap siya ng ibang babaeng makakausap. Hindi lang pala yung babaeng yun. Nakikipag-usap din pala siya sa ibang mga babae, naghahanap ng kung ano mang pakiramdam na hindi niya raw nakukuha sa akin.

After 13 years of being together, kinukwestyon pa rin pala niya kung ako ba talaga yung gusto niyang makasama habang buhay.

Nung nakipaghiwalay siya, sinabi niyang kailangan niyang harapin mag-isa yung mga problema niya. Hindi na raw niya nakikita yung future niya with me at hindi ko raw siya deserve.

For weeks, sinisi ko yung sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkulang, kung may mga bagay ba akong dapat ginawa, at kung may pagkakataon pa sana na maisalba namin yung relasyon.

Naawa pa ako sa kanya dahil akala ko sobrang bigat lang talaga ng mga problema niya sa buhay. I even went to different churches to pray for his healing and peace of mind.

Hindi ko alam na habang iniintindi ko siya at ipinagdarasal na maging okay siya, ang dami pala niyang bagay na itinatago sa akin.

Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong klaseng mga tao. Yung kayang panatilihin ang connection nila sa isa’t isa sa loob ng maraming taon kahit may kanya-kanya silang partner. Tapos kaya pa nilang i-justify na friendship lang naman daw yun.

Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawang makipagrelasyon sa ibang tao habang patuloy nilang pinapanatili yung ganung klaseng emotional connection sa isa’t isa. Hindi ba nila naisip kung gaano kasakit yun para sa mga partner nila?

Kung wala lang talaga yun, bakit kailangang itago? Bakit kailangang magsinungaling? Bakit kailangan pang palabasin na ako yung sobrang selosa?

For me, hindi na simpleng friendship yun. It was an emotional affair and a betrayal of trust.

Hindi ko akalain na yung mga ganitong kwento na nababasa ko lang dati, mararanasan ko rin pala mismo sa sarili kong buhay.

Hindi ko sinasabing naging perfect akong partner. Alam kong may mga pagkukulang din ako. Pero sana kinausap niya ako. Sana naging honest siya sa akin. Sana binigyan niya ako ng pagkakataong maintindihan kung ano yung mga problema niya sa relasyon namin.

At kung hindi na talaga siya masaya, sana matagal na niya akong pinakawalan kaysa hinayaan niya akong mag-invest ng sampung taon pa ng buhay ko sa relationship na akala ko pareho naming pinapahalagahan.

I deserved to know the truth. I deserved to have the choice kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon knowing everything he was doing behind my back. Pero pinagkaitan niya ako ng pagkakataong yun.

Hindi ko akalain na ganitong klaseng lalaki pala yung sinamahan, minahal, at pinagkatiwalaan ko nang 13 years. Yung taong ilang beses kong pinatawad at binigyan ng pagkakataong magbago, patuloy pa rin palang gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin.

Ang nakakapagtaka, pagkatapos kong malaman lahat ng ito, iba na yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon yung galit at disappointment sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kasabay nun, ang gaan din ng pakiramdam ko.

Hindi ko pinagsisisihan na pinilit kong malaman ang katotohanan. Masakit, pero ito pala talaga yung kailangan ko para matigil na yung pagsisi ko sa sarili ko.

Hindi na ako umaasang magkakabalikan kami. Hindi na rin ako naghihintay na magbago siya o bumawi sa akin. Wala na akong gustong ipaglaban sa relationship na iyon.

Nagpapasalamat pa rin ako na nalaman ko ang katotohanan bago pa kami ikasal at bumuo ng pamilya.

Hindi ko na mababawi yung 13 years, pero ayoko nang magsayang pa ng kahit isang taon ng buhay ko para sa kanya.

Alam kong hindi magiging madali ang healing process ko. Ang unfair lang na ako ngayon yung kailangang mag-seek ng professional help at mag-heal mula sa epekto ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.

Pero gusto kong mag-heal nang maayos. Ayokong dalhin yung trauma na iniwan ng relationship na ito sa susunod na chapter ng buhay ko. Ayokong hayaan na yung mga ginawa niya ang magdikta kung paano ako mabubuhay at magtitiwala ulit.

Marami pa akong pangarap para sa sarili ko. Marami pa akong gustong gawin, matutunan, at puntahan. This time, hindi ko na kailangang isantabi yung mga gusto ko sa buhay para sa ibang tao.

Hindi man ito yung ending na pinangarap ko para sa 13-year relationship namin, nagpapasalamat ako na may pagkakataon pa akong magsimula ulit.

Totoo pala talaga yung the truth will set you free.

Finally, malaya na ako.


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Question How to deal with mansplaining?

24 Upvotes

Being around men who genuinely think they know better than me and explain everything in a condescending tone genuinely makes my blood boil.

Like sometimes, even when we agree on the exact same thing, parang mahilig sila mang-contradict nang mang-contradict just to feel like they “taught” me something. Ang daming lalaki na parang laging naghahanap ng gotcha moment and gusto gawing debate lahat ng bagay, if that makes sense.

Mas nakakapagod pa kapag nagkakampihan silang lahat. Makes me feel like I should just shut up and take it, but I sometimes wanna defend myself too. I can’t help but feel small.

Any advice on how to protect your peace in spaces like this?


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Question For those na nagka friends with benefits situation, how did it start?

48 Upvotes

and how did it end hahaha


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating How do you stop from contacting your ex during a fresh breakup?

12 Upvotes

I'm really having a hard time stopping myself from messaging him. In my defense, this isn't my first breakup so I know what to do? But I guess I want to know and remind myself the things that maybe worked for other people that I can possibly utilize in my healing.

To women in this subreddit, what are the ways you stopped yourself from contacting them lalo na during the first few weeks/months fresh out of breakup especially when it's tempting? Would love to hear inspiring stories on how they helped themselves heal during a heartbreak.


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Fashion & Bodywear Working girls who always bring laptop, what backpack you can reco?

6 Upvotes

Girls, what backpack yung stylish, matibay, pero di masyado nakakabutas ng bulsa? Haha!


r/AskPinay • • 2d ago

WOMEN ONLY: Question For girlies, what's your "tamad" workout that made you glow up?

58 Upvotes

easy to do, less pain, can do everyday?

Mine is walking, repetitve movements and stretching


r/AskPinay • • 2d ago

WOMEN ONLY: Question Ladies, anong red flag ang tinitignan nyo sa guys, na pag tinignan ng iba eh hindi naman automatic na red flag?

32 Upvotes

I'll go first - drummers 🤣


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Question For women 5'3 and below, what YouTube home workouts actually helped you lose weight?

3 Upvotes

I’m trying to build a consistent home workout routine and would love recommendations from people who have actually seen results. Which YouTube workouts or channels work best for you (with or without equipment)? Feel free to drop a link if you have a favorite!

I’d also love to hear a bit about your weight loss journey, what ended up mattering most alongside the workouts (like diet, daily steps, or consistency), and how you pushed past plateaus or low-motivation weeks?


r/AskPinay • • 2d ago

WOMEN ONLY: Question "staying virgin until marriage", what's your thoughts on this one?

118 Upvotes

"no sex until marriage" mindset is so rare nowadays. for me, it's not about having sex, it's about who gets access to you. what are your thoughts on this?


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Hygiene & Care how to lighten darkened red marks from shaving down there?

2 Upvotes

please help! yes im stopping shaving na bc of the red marks (turning into hyperpigmentation) and bumps it leaves sa mons pubis area ko. Any tips to lighten or remove it? So desperate! Ang pangit niya na compared to before. I want to get rid of it! I'll go back w brazilian wax but i want to lighten these marks!


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Family & Parenting How to deal with an emotionally immature and insecure mother?

0 Upvotes

Hello! I can't help but feel na sa akin binubuhos ng nanay ko yung insecurities niya. Kanina lang, wala naman akong ginagawa, pero kinuha niya yung buhok ko tapos panay sabi ng "malalagas" saka "magpaggupit". Matatanggap ko naman, pero yung paraan niya kasi ang laging problema. Walang paalam. Sobra sa insist. At saka...may problema po kasi siya sa buhok niya. Napapanot. Parang walang products na nag-wowork sa kaniya. I can emphatize, pero grabe na kasi yung pandadamay niya...

Lagi pong ganoon. Teen po rin ako at nasa 40s na rin siya. I also can't help but feel na mas emotionally intelligent at caring pa ang younger generation kaysa sa kanya:( I know she had a troubled childhood, pero bakit sakin niya binubuhos?

For context, very mayabang and insecure siya huhuhu. Sobrang mareklamo rin at napakaraaaaming napapansin. Kami ang na-dadrain...'Pag kakausapin about doon, tatalak siya. Sobrang mabunganga. Sobrang defensive. Not joking pag sinabi kong abot sa kanto minsan yung boses niya.

Nakaka-trauma siya sa totoo lang. I hate that I had strength because of that. Nakakapagod na kasi. Parang walang magagawa. Walang boundaries with her. Sobraaaaang nakaka-drain. Araw-araw telenovela. Best character to describe her is si Georgia sa Ika-Anim na Utos...I'm not even joking:( Sana nga joke lang e. Sana nga e.

Hindi siya mapagsabihan. Hindi siya nagpapatalo. Never. NEVER. She would raise her voice so much and try to drag me down, degrade me, and everything. This is why naisipan ko na rin maglayas noon sakaling magbago, pero hindi nag-work. It's always about her and her and her. She'll make it about her. She's insensitive. My feelings don't matter. She gaslights me and manipulates me. Mother gothel lol pero mas malala. At least si mother gothel may pagka-chill.

I've been there for her. I've been a good child. No bisyo, great academics, good social life. Buti pa yung iba nakikita kung gaano siya ka-suwerte na ako yung anak niya. Wala siyang masyadong iisipin. Pero yon. Lahat ng problema niya sa akin ibubuhos. Siguro kasi I was the opposite of her nung kabataan niya. Sorry not sorry. It's the truth.

Twice I talked back, my voice raised, because I knew I had to fight for myself too. Ending? Emotional manipulation. I saw right through it, pero I just pretended to understand. Tangina. Never ending.

I love my hair. Nakakainis lang at ganoon siya. Kung gugupitin man buhok ko, ok, pero on my terms. E di uso yun sa kanya.

Note lang po na I am very well aware of what tough love is pero yung sa kanya kasi toxic lang e, walang love. She stopped being a mother when I became a teen and when the pandemic started.

Kung puwede lang maglayas e. Kung wala lang akong responsibilidad sa mga kapatid ko.

TLDR; I'm the opposite of who she was when she was young. The only thing we have in common is I have fire. But hers is so much more. Toxic, degrading, and manipulative. Nothing works.

Edit: Paano po pala if siya pa rin ang nagpapaaral sa akin🥹 Huhuhuhu need ko na talaga mag-side hustle. Naka-monitor nga lang bawat galaw ko. Ayaw niya. Wala. Shutaaaaaaaaa


r/AskPinay • • 1d ago

WOMEN ONLY: Relationship & Dating Ako po ba may problem sa ganito?

0 Upvotes

5 days na lumipas bago ako nabati ng bf ko ng happy birthday ang sabi niya sakin bakit daw hindi ko pinaalala sa kanya edi sana napaghandaan niya.

Nag away kami. Kesyo maliit lang daw na problema at pinalalaki ko kung pwede ko naman sabhin sa kanya. Dahilan niya marami raw siya iniisip that time at pagod daw siya.

Ang sakin lang naman bakit need ko pa sabihin? Nung birthday niya nag set pa ako sa calendar ko 3 days before ng bday nya, bumili pa ako cake at nagpainom pa ako at nag palawan pa kami ako gumastos nun. Pagdating sa birthday ko wala. Sabi ko sa kanya sobrang sama ng loob ko kasi hindi ako naghahangad ng bulaklak or ano kahit sana batiin niya lang ako. Nauna pa bumati yung tropa niya kesa sa kanya. Feel ko nga yung tropa pa niya nag sabi sa kanya na birthday ko.

Ayoko isipin na may babae wala naman akong nakikita eh. Live in kami. Ako po ba may prob? dapat ba sinabi ko nalang sa kanya?


r/AskPinay • • 2d ago

WOMEN ONLY: Question Paano kayo gumagala alone?(+Vent)

23 Upvotes

To the ladies who frequently travel alone, how do you do it? How do you plan your gala? Any tips how to save money during gala without overlooking your safety?

Gusto ko talaga gumala sa maynila magisa. Gusto ko pumunta ng museum, libraries, ukayan, and fun places pero natatakot ako gawin yun mag-isa. Yung build ko kasi parang bata kaya natatakot ako na baka maging easy target ako ng krimen.Kaya ko naman magcommute sa malalayong lugar ang kinakatakot ko lang is kapag naglalakad ako magisa. Tapos ang gastos naman masyado kung magjoyride ako palagi para maiwasan maglakad. Naiinggit ako sa kaibigan ko na lakaki na nakakapagtravel alone sa malalayong lugar. Ako kasi within the city or katabing cities lang. Hirap talaga maging babae need mo palagi alalahanin safety mo😭

Edit: emphasis sa marunong magcommute alone. Marunong po ako maglrt and magtanong tanong ng directions sa mga tao. Hindi pa naman ako naligaw or nagoyo. Nakapagcommute na ako magisa sa maynila(and other far places) many times when visiting a friend kaso yung gala ko na yun is hindi alone. Di na kasi tugma sched namin.


r/AskPinay • • 2d ago

WOMEN ONLY: Question Paano niyo nalaman na may pcos kayo?

8 Upvotes

Just wondering what are the symptoms na may pcos kayo? I am almost half a month delayed but I’m sure not pregnant.