Forda makikirant na rin me kasi di ko na keri na halos araw araw, linggo linggo nalang. Tumataas prisyon ko sa mga nangyayari nkklk baka mauna pa 'kong maend bago ang sem na 'to, mga accla!!!
From that X-Men Filipina Barbie ganap sa CrimRev class na may recorded attendance na makapal ang mukha na tumawid ang pandaraya niya from Mendio to Alabang, to Missma'am na may pa-peek-a-boo during her supposedly blindfolded LocGov recit na talagang tinapat pa sa buntis na prof niya (syempre, iba talaga toyo ng mga buntis teh matakot nalang talaga kayo diba), to the AirPods pa-divas na may sariling coaching staff, tapos ngayon, may pa-AI-generated digest extravaganza naman???
MGA BWAKANANGSHT KAYO, MGA ACCLA. 😭
Sana naman hindi lang suspension ang atake by this time. Jusq, dapat forda kickout na kung proven ang cheating after due process! Ano 'to, disciplinary action with comeback privileges? Bibigyan pa ba ng redemption arc??? NOT DASURV AHUHU
Ang daming estudyanteng lumalaban nang patas. May mga working students na galing pa sa bardagulan sa opisina at sasabak pa sa traffic, may mga mudrakels na makikita mo talaga sa zoom na akap at pinapatulog pa ang junakis, may buntis at bagong panganak na tinotoyo pa sa postpartum, may mga single parents na one-wo/man team in this lifetime, may mga breadwinner na pasan ang buong angkan, at may mga OFW na nakikipagbakbakan pa sa different time zones na ika nga ng Simple Plan sa Jetlag eh "you say goodmorning when it's midnight".
Tapos kayo, mga anteh, ang biggest struggle niyo ay kung paano mandaya? SOAFER KAPAL NG MGA FEZLAKELS NIYO, MGA ANTEH. Ano kayang skincare routine niyo at mukhang impenetrable na ang skin barrier niyo sa hiya??? May pa-audacity ang mga anteh na pumasok sa parehong klase, humarap sa parehong prof, at tumanggap ng grades na pinaghihirapan ng iba nang patas juice colored!
Hindi exclusive sa inyo ang hirap ng law school. Lahat tayo may kanya-kanyang struggles at character development. Hindi kayo main character para maexempt sa academic integrity.
At this point, Dean Ulan and Atty. Yami, forda need na talaga to demonstrate na talagang may pangil ang Bedabang SOL. Hindi po puro growl na forda post post lang, dapat may kagat din po opo. Impose appropriate and consistent sanctions on those proven to have committed academic dishonesty.
Hindi pwedeng ang mga lumalaban nang patas ang nagmumukhang mga shunga, habang ang mga nandaraya ay may pa-survival era.
And puhleaze, stahp the wedding sa pagre-rebrand ng cheating as diskarte. Hindi kayo resourceful, mga mhiemasaur rex. Mandaraya kayo, periodt! Huwag nating lagyan ng luxury packaging ang basurang behavior, mga anteh. Kahit i-gift wrap niyo pa 'yan with ribbon and pa-glitters, basura pa rin 'yan. Kung gawain niyo 'yan sa mga jowabels niyo, jusq, huwag niyo nang dalhin sa lawskul ang inyong cheating era. Magtigil-tigilan kayo, mga acclang umaalingasaw ang kawalan ng integridad. Dinaig niyo pa ang baho ng kanal humor ko na kahit papano may substance naman habang yung integrity niyo, nasa septic tank na.
Sabi ko nga sa prof ko nga eh I'd rather get a bokya sa recit, bumagsak sa exam, or retake an entire subject. Kasi may balik yan at kesa naman bar ko ang magsuffer like duh 12k yung bayad don noh. But no offense meant naman din sa mga almuni at abogado nang retakers, big respect po mga mamser lalo na sa nakapagtop pa sa bar, sharawt po sa napakaganda at napakabrainy naming prof na si Atty. Bandiola diba. Pak ganern forda slay and real inspo!
But balik tayo sa rant kasi nga mga mhiemasaur, wala namang masama sa paggamit ng AI as a supplementary learning tool. Actually ako rin naman na di magets at nadededz na ang remaining braincells, nagp'prompt ng "make this provision / jurisprudence bobo-friendly" ganern! Pero kung lahat lahat nalang hanggang sa paggawa ng digest ay outsourced na, ano na lang ang ambag mo sa Juris Doctor degree mo, teh? Pangalan sa cover page??? Design sa Resume ganern??? SOAFER NKKLK, MHIEMASAUR!!
Kung grades pa lang, willing na kayong isugal ang integridad niyo, paano pa kapag pera, kalayaan, at karapatan na ng ibang tao ang nakataya? FORDA NAKAKAHIYA KAYO, MGA ATECCO! THAT'S NOT THE RED LIONS' BRANDING, OMSKIRT?!? IT'S PARANG LIKE HOW U'RE GONNA SHOW UP TO UR CLIENTS WHEN U BECOME A LAWYER SOMEDAY??? OH WELL, ONLY IF YALL GONNA BE LAWYERS LIKE DUHHHH
To the DO and their angels, baka po pwedeng protect the students who actually work hard to earn their degrees. Make academic dishonesty a genuinely costly choice, not merely an inconvenience po 'noh kasi 'di po ata talaga titigil 'yang mga 'yan hangga't hindi sila nasisipa jusq. Andami namang ibang lawskulz na pwedeng sumalo sakanila du'n nalang sila.
JUSQ. SOAFER NKKLK MGA WALANG MORAL COMPASS. HAYNAQ.