Hi po fellow business owners.
I just want to thanks first the people here who are giving advice.
malaking tulong po ang gingwa nyo.
Ive been asking question na rin before dito sa community and i really appreciate po for wonderful feedback
Pero kung okay lang po, hihingi po ulit ako ng advice with regards to our struggling business
My question po is how to exit proper way knowing meron po kaming heavy baggage already and business is not really good.
2 to 3M in debt.
But Heres a context po muna of what happened why we got in our current situation.
Nag open kami ng branch ng food and beverages business in July 2026.
6 months palang business namin pero maliban sa hindi na kumikita ay wala pang nababalik for capital.
As in abunado malala kami.
Naubos na ang ipon namin.
6 months palang ito pero di na maganda mental health ko.
May isa pa kaming store na enough ang kita despite sa crisis na nararanasan namin.
Pero pati capital for our first store ay nahuhugot nadin.
Natatakot ako na baka madamay ang first store namin sa kawalan ng oxygen(capital).
Ayoko naring umutang dahil may binabayaran pa kaming utang sa ngayon.
Im planning na isara na ito at hanggang year end nalang operation namin.
To make the story short, ubos na ang capital,
ubos na ang ipon namin at baon pa sa utang.
Gusto nalang naming isara itong 6months na business namin dahil nadadamay nadin yung first branch namin sa kawalan ng capital.
please help me kung paano ang proper exit kapag ganitong lugi na.
Ano po ang magandang gawin after
At ano po ang pwede namain maexpect na pwede mabayaran.
If maisabay ko na din po mga sir and maam i have another question na din.
Gumastos ng 250k yung landlord namin para mapaayos yung bldg nya para sa amin,
since kami nga po ay resto.
Ako po ang nagrequest nun and sobrang bait nung landlord dahil sya lahat gumastos para sa repair ng bldg.
Nirepair nya lang daw yun dahil resto daw kami.
May contract kami na 1 year, pero mukhang di ko na kaya ang another 6 months.
To be fare sa part ni landlord, ano kaya pwede naming settlement para sa mga nagastos nya.
Maraming maraming salamat po
God Bless!