May isang matandang lalaki at ang kanyang asawa ay naninirahan sa isang malawak na bukirin. Payak ang kanilang pamumuhay at paniminsan-minsang nakakatikim ng karangyaan kung maganda ang kanilang ani o kaya ay kahirapan kung panahon ng tag tuyot.
Isang araw, may isang bisiro ang napadpad sa kanilang bukirin. Pangkaraniwan lamang at walang kakaiba sa kabayo na napadpad sa kanila. Di ito matipuno at matikas, pero tinanggap ng mag-asawa at ito ay kanilang inalaagan. Dahil sa bisiro na dumating sa kanilang buhay, gumawa ng kwadra ang matandang lalaki.
Pinagtuunan ito ng panahon, pag aaruga at pagmamahal ng matandang lalaki. Makalipas ng isang taon, napansin ng matanda ang kakaiba nitong ugali at pagbabago. Di na ito naging malambing at kadalasang pinipiling mag-isa. Ganoon pa man, lagi naman itong maasahan sa paghila ng kanyang kalesa at karwahe.
Makalipas ulit ng maikling panahon, may isa na namang bisiro ang napadpad sa kanilang bukirin. Masyadong bata pa ang bisiro at sakitin. Hindi ito kaamo katulad ng naunang bisiro. Tulad ng naunang bisiro, pinagtuunan ito ng pansin, pagaaruga at pagmamahal.
Nagaalala ang matanda na baka magkaroon ng problema sa pagitan ng unang kabayo at pangalawang bisiro, subalit naging maayos ang lahat.
Pagkagaling sa karamdaman ng pangalawang bisiro, may naligaw na naman na pangatlong bisiro. Babae naman ito at sadyang kahanga-hanga ang lahi. Pinagtuunan ito ng higit na pansin ng magasawa sapagkat ito ay malusog, matalino at di pangkaraniwan ang itsura.
Di nagtagal, meron na naman naligaw na bisiro. Ito ay matipuno at malakas subalit may pagkamabangis. Akala ng matanda at ng kanyang asawa na ito na ang huli ngunit, may naligaw na naman na bisiro. Maihahalintulad ito sa pangatlong kabayo na matalino, matikas at di pangkaraniwan.
Tuwang tuwa ang matanda at mayroon na siyang isang kwadra na puno na ng kabayo. Hindi man perpekto ang matanda sa pag aalaga ng mga kabayo, ginawa pa rin nya ang lahat para sa mga ito.
Makalipas ang ilang taon, nakita na ng matanda ang pagkakaiba ng mga kabayong kanyang kinalinga at inalagaan.
Ang unang kabayo na tahimik at hindi nakipagkarera; ang laging humihila ng kariton at kalesa ng matanda.
Ang pangalawang kabayo na may pagkamabangis at hindi masyadong maasahan subalit, malambing.
Ang pangatlong kabayo na espesyal; matalino, magandang lahi, matipuno at malakas.
Ang pang apat na kabayo na pinakamalakas, pinakamabilis subalit mabangis.
Ang huling kabayo na matalino, mabilis at malakas na may magandang lahi.
Napansin ng matanda na mahilig magpaligsahan ang 4 na kabayo at makipagkarera. Naging magkaaway ang pangalawa at pang apat pero lagi naman itong naawat ng matanda bago pa tuluyang magkasakitan.
Isang araw, nakita ito ng isang mayaman sa bayan ang kanilang karera at inuudyukan ang matanda na isali ng karera ang 4 na kabayo.
Naiwan ang unang kabayo habang ang apat ay nagsimulang lumaban ng karera sa iba't ibang bayan. Unang bumalik ang pangalawa na lalo pang naging mabangis. Sumunod naman ang pangatlo na naghatid ng karangalan at papremyo. Sumunod ang pang-apat na nagbigay ng problema at pinsala sa kanyang hinete at ang panglima na nag uwi din ng karangalan at papremyo.
Nagkaroon ng tagtuyot at kakaunti ang ani ng matanda ng panahong makauwi ang apat na kabayo. Napilitan ang matanda na pumunta sa bayan at ilahok ang apat na kabayo sa nalalapit na malaking karera. Sa panahon na kasagsagan ng tagtuyot at pag hihirap; ipinagkatiwala niya ang 4 na kabayo sa iba't ibang kwadra sa iba't ibang bayan.
Napuno ng alahanin, problema, stress ang matanda. Napagdiskitahan ng asawa ng matanda ang unang kabayo at karanas ito ng pang mamaltrato, gutom at napabayaan. Tumakas ang kabayo subalit nanatili ito sa kasukalan malapit sa bukirin. Kusa itong bumabalik sa kwadra kung kinakailangan ng matanda na hihila sa kanyang kalesa o karitela sa buong panahon ng tag-tuyot at tag gutom.
Sa mga dinalang karangalan at papremyo ng pangatlo at huling kabayo naitawid ng matanda ang kalagitnaan ng tag-gutom. Sumunod dumating ang karangalan at papremyo ng pang apat na kabayo.
Sa kasawiang palad, ibinalik sa kanyang bukirin ang pangalawang kabayo na may mga pinsala dahil sa karera. Lalo itong naging mabangis dahil sa kanyang sinapit.
Inaruga ito ng matanda hanggang sa gumaling ang kabayo at naging mas malapit at malambing ito sa matanda. Bilang pasasalamat, nag simula na itong kusang mag hila ng karitela at kalesa ng matanda. Nang makita ito ng unang kabayo, kusa na itong lumisan sa kwadra at bumalik sa pagitan ng bukid at kasukalan.
Akala ng lahat ng matatapos na ang tag-tuyot at tag-gutom, subalit humaba pa ito ng ilang buwan. Sa kasawiang palad, dumating na ang oras na kailangan ng tawagin ng panahon ang matanda.
Sa huling pagkakataon, pinilit ng matanda na makita ang tatlong kabayo sa magkakaibang bayan. Bagama't mahina na, tumuloy pa rin ang matanda sa kanyang byahe. Bumalik ang unang kabayo para himukin ang pangalawang kabayo na samahan ang matanda at naiwan ito binantayan ang asawa at bukirin ng matanda.
Hinila naman ng pangalawang kabayo ang kanyang kalesa patungo sa bayan kung nasaan ang pangatlong kabayo.
Lubos na nagalak ang matanda ng makita ang pangatlong kabayo na nanalo sa karera. Lumapit ito pero hindi sya kinilala ng kabayo. Lulugo-lugo pa man ang matanda, masaya pa rin siya at matagumpay ang pangatlong kabayo.
Sumunod na pinuntahan naman nito ang pang apat na kabayo. Nagalit ang pang apat na kabayo ng makita ang pangalawa na humihila sa kalesa ng matanda at nagpakita ng kabangisan. Ganoon pa man, masaya ang matanda dahil matagumpay din ito.
Huling pinuntahan ng matanda ang panglima. Nagkampyeon ito subalit may pinsala dahil sa mga karera. Nagpakita rin ito ng kabangisan ng makita ang matanda kasama ang pangalawang kabayo.
Naging maligaya ang matanda ng makita muli ang mga kabayo. Nagdesisyon na siyang umuwi at gugulin ang kanyang natitirang panahon sa kanyang bukirin.
Nabantay at nakamasid lang unang kabayo sa malayo samantalang nakatabi at naglalambing sa matanda ang pangalawang kabayo habang nakatabing tulog ang asawa ng matanda. Sa ganitong paraan lumisan ang matanda.
Kinabukasan, ibinalik na ang tatlong kabayo sa kwadra ng matanda at kanila inabutan ang ganitong eksena.
Sa mga nagbabasa; ano ang inyong opinyon sa bawat kabayo at sa matanda? Ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa bawat kabayo sa loob ng 3 taon?
Maraming salamat po sa pagbasa sa aking maikling kwento