I'm a nursing student at ito yung side ng nursing na medyo nahihirapan ako. Ang hina ng sikmura ko sa mga nakakadiring bagay (tae, suka, dugo, nana, etc.). Don't get me wrong, I love doing those procedures dahil natututo ako at minsan nadedelulu ako na nurse na ako dahil sa mga gawaing iyon. Na-eenjoy ko naman ang mga procedure habang ginagawa ko ito pero di talaga maiwasan na pagkatapos ay bumabaliktad ang sikmura ko.
Example na lang ay noong napa duty ako sa DR. Puta! Grabe yung una kong sabak, yung amoy, yung ingay, yung mga nakita ko, ay nako! Hindi lang pala bata yung lumalabas, pati pala yung "kakambal". Hindi ko alam kung parang inside joke na ito ng mga tao sa DR pero kasi noong nanonood ako ng isa sa mga nanganganak yung CI namin biglang nagsabi na lalabas na daw yung "kakambal". Ako naman nagtaka kasi nung isinugod yung buntis sa amin eh isa lang daw yung bata niya. Yun pala yung sinasabi ng CI namin na kakambal ay yung tae, shet! (literally)
Ito pa, yung dugo na pagkadami-rami. Hindi ko alam kung ako lang ba yung ganito pero sa tuwing nakakakita ako ng dugo ay nararamdaman ko na umiinit yung mga pulso ko at, hindi ko alam kung naaaning lang ako pero, sa tingin ko, ay naririnig ko yung pagtibok ng puso ko. Hindi naman siya ganoon ka vivid, sa tingin ko talaga nasa utak ko lang yun, pero manageable naman siya. Yun yung akala ko kasi nung na-assign ako sa DR, yung pinapagawa sa amin ay pagdeliver ng placenta. Man! Ilang dosenang pukeng duguan yata ang nakita ko. Kaya pagkatapos talaga ng huling case na nahawakan ko bago ang break sa tingin ko talaga noong mga oras na iyon ay sasabog ang mga pulso ko.
At iyang placenta pa na yan, ay nako! Tingin ko minalas talaga ako kasi pagkatapos ng duty ko sa DR parang isang linggo yata na puro longanisa, tocino, at corned beef yung inulam namin sa bahay. Grabe! Kada isang nguya ko, dahil mapula lahat ng ulam, naiisip ko parati yung mga placenta na dineliver ko at mga pepe na may tahi at nagdurugo. Kaya ang bagal ng kain ko ng mga isang linggo.
Sa tingin ko naman ay masasanay rin naman ako dito kasi yung mga ibang nurse nga sa hospital na pinagdutyhan ko ng DR kung mag-usap sila kapag kumakain mapapasabi ka na lang ng "Bakit ganyan yung mga topic niyo?!" Halimbawa (pramis hindi ako chismosong tao, kailanman hindi ako naghanap ng chismis, talagang wala lang talagang paraan para hindi ko marinig itong ikukuwento ko), noong pinagbreak kami sinabihan kami na sumabay na lang kaming kumain doon sa kanila sa nursing station. Hindi naman ganoon kalakihan yung nursing station kaya yung mga kuwentohan nila ay dinig na dinig namin. At yung topic nila sa kuwentohan? Yung puday ng katrabaho nila. Kahapon kasi noong pagduty namin doon ay may Christmas Party sila tapos lahat ng kasali ay naka costume. Yung babae, na topic ng usapan nila, ay, hindi ko maalala kung Deadpool or Spider-Man ba yung costume, pero ang importanteng impormasyon lang ay isang buo yung costume na iyon at hapit na hapit daw. Sa sobrang pagkahapit daw ng suot niya na bumabakat na daw yung kepyas niya. "Camel toe na camel toe talaga" sabi nung isang nurse. Kami naman ng mga kaklase ko sa gilid nagtitinginan. Hindi namin alam kung matatawa kami o mandidiri kasi nga ilang panganganak yata yung nakita namin bago yung break so, automatically, ayaw naming makarinig ng anything about pekpek habang kumakain kami.
So, ayun. Sorry kung napahaba at kung medyo OA yung pagkwento ko. Kayo po ba, kagaya niyo rin ba ako noong nagsisimula pa lang kayo? Gaano katagal bago kayo nasanay? Gusto ko po talagang pagbutihin pa yung weakness ko na ito dahil kahit na sobrang OA ang pagkwento ko, na-enjoy ko naman yung mga learning experiences ko na iyon. Ano po yung mga tips para mabilis akong masanay?
Tsaka, shameless pahabol na rin. Please, kung pwede po, pakisugatan po yung survey para sa research namin kung qualified po kayo. Please, tulungan niyo po kaming maging katulad niyo in the future para madadagdagan pa ang mga nurses someday. I love you all po.
Ito po yung link:
https://forms.gle/zD4gBiYBuGqTrxWD9