should wearing a motorcycle helmet be a personal choice rather than mandatory?
2:17 AM na, di ako makatulog, napapaisip lang ako tungkol sa mandatory helmet law. bago may magalit, hindi ako against sa pagsusuot ng helmet. alam ko naman ang importance nito at kung gaano kalaki ang naitutulong nito kapag naaksidente.
ang curious lang ako ay kung hanggang saan dapat ang intervention ng government pagdating sa personal safety ng isang adult.
gets ko kung bakit may batas against drunk driving, reckless driving at overspeeding kasi directly nitong nilalagay sa panganib ang ibang tao. pero sa hindi pagsusuot ng helmet, ang primary risk ay nasa rider mismo.
aware din naman ako na hindi lang rider ang maaapektuhan kapag naaksidente. may pamilya, medical expenses, public healthcare at iba pang indirect consequences.
pero hindi ba applicable din yung argument na yan sa maraming risky lifestyle choices? gaya ng paninigarilyo, excessive drinking, unhealthy eating at extreme sports. may kanya-kanya rin namang consequences sa pamilya at society ang mga yan, although magkakaiba ang nature at level ng risk.
at saka reasonable ba yung multa na 1.5k hanggang 10k? lalo na sa isang bansang maraming minimum wage earners. separate issue din siguro kung effective at proportionate ba yung ganitong klaseng penalty.
hindi ko sinasabing dapat tanggalin ang helmet law. curious lang ako kung ano ang basis natin sa pagdedesisyon kung alin sa mga personal risks ang dapat kontrolin ng government at alin ang dapat ipaubaya sa individual.
where do we draw the line? genuinely curious sa thoughts ng ibang riders dito.