When I first saw her on GMA, I honestly did not think of her that much. I thought she was another liberated nepo baby who was handed her first starring role in an afternoon soap. Then, news about her sister na mas liberated sa kanya getting pregnant with Joaquin Domagoso’s child hit the tabloids. A few years later, nakita ko ulit ang interviews niya bilang si Angel Castro (understandably, her screen name changed). Nung napanood ko interview niya sa isang podcast, I began to see her in a different light.
Ang lalim pala ng hugot niya sa buhay.
Kaya pala siya nag-artista ay dahil kailangan niya ng pera. Naglayas siya sa bahay nila nung 17 dahil sa toxic family situation at naging homeless, ‘yung tipong nagbubukas ng pintuan sa 7-11 kasama nung young friends niyang nag-layas din. Nung mag-audition siya sa GMA, hindi pa siya nakakapag-ayos dahil sa situation niya. ‘Yung nanay niya, si Raven Villanueva, inalagaan ng maayos ‘yung step-siblings (or is it half?) niya sa Amerika, pero sa end niya kahit pera o communication ay wala siyang natatanggap kaya nag-trabaho din siya as a receptionist, etc. sa murang edad.
Kaya rin pala siguro siya nawala for quite sometime ay dahil may jowa siyang may edad na ayaw siya pag-trabahuhin. Ang kaso dito, kapag nag-aaway sila o may nagawa siyang nagpa-upset doon sa matanda, hindi siya binibigyan ng allowance (kasi remember, ayaw siya mag-trabaho nito) kaya nagugutom siya. ‘Yung pag-VMX niya raw ay finances talaga ang dahilan. Sabi nga sa comment section, mas bagay sa kaniya kung ordinary roles ang ibibigay. Naba-bash nga rin daw siya kasi ‘yung image niya as a VMX star ay tila worlds apart sa formal image ng paternal grandparents niyang sina June Keithley at Angelo Castro, Jr. na respected journalists. To me, sana nga mas mabigyan siya ng roles and shows na may substance at hindi gaanong magpapakita ng skin kung hindi naman need sa kwento.
She is not to be confused with the wedding host na may issue ha. HAHA