r/SpookyPH • • 16h ago

😨 OKATOKAT Camiguin creepy experience

Post image
16 Upvotes

I want to share something creepy we have experienced in Camiguin recently this year. We are 6pax visited the island for 3 days, 2nights and got 2 accomodations, 1 house and 1 studio type na room. Yung house is modern naman, but yung mga gamit like chairs, tables, vase etc ay vintage/antique. Apat kami nag stay sa house, ako at gf ko then yung tropa ko and gf nya, may 2 separated rooms naman at kumpleto naman sa gamit, may kitchen at sala. Yung other two ay sa kabilang apartment type na rooms near sa house, bali parang compound yung pinagstayan namin. Malawak yung area, pero sa labas ng house ay napapalibutan ng puno at medyo isolated yung place walang ibang kapitbahay at kami lang yung guest nung time na yun.

Nangyari ito 2nd night na namin, bumili kami ng Durian along the way pauwi na sa accoms kasi gusto namin ma i-try. Paguwi namin nagkasiyahan kami dun sa studio type na room kasi may pool doon, inuman and around 2am nag pasya na kami matulog kasi maaga pa ang lakad for that day. Yung host naming tropa natulog na kasi medyo masama ang pakiramdam at dahil sa pagod din. Kami nung isa kong tropa, bumalik na sa house and pagdating na tripan namin tikman yung durian. First time lang namin kumaen ng durian haha kaya pagkabukas humiwa agad kami ng tig isang malaking tipak at kinaen. Sarap na sarap kami, lasang mozarella cheese pa nga sabi ko, then nung i t tabi na namin yung durian, napansin namin na may gumagalaw sa lamesa- uod pala. Halos masuka kame hahaha, ang ginawa namin tinapon namin. Binitbit namin yung durian sa labas ng bahay at basta itinapon sa mga punuan. Pagbalik namin sa house, nilock na namin ang pinto para makatulog na.

Naligo na ako sa room namin para makahiga na. Yung room namin may isang window na transparent na kita mo yung kakahuyan, then nacocoveran lang ng kurtina. Around 30mins na akong nakahiga pero di ako makatulog pakiramdam ko may nakatingin sakin. Nag chat ako sa gc namin kung may gising pa, at ako nalang ang natitirang gising sa oras na yon. Maya maya, may naramdaman akong parang naglalakad sa labas lang ng room namin sa may window side, as in, rinig mo yung foot steps sa lupa. Dahan dahan kong hinawi yung kurtina para silipin, ngunit wala akong nakitang tao, dito ko medyo kinakabahan na. Inisip ko na guniguni ko lang yun at humiga na lang ako ulit para pilitin makatulog, pagtingin ko sa phone ko around 330am na din kasi yun.

Habang nakahiga narinig ko yung upuan sa dining area na parang gumagalaw. Yung galaw nya ay tuloy tuloy, parang sinasadyang idabog yung mga upuan, hindi yung tunog ng hinihila, talagang dabog kasi maririnig mo yung madidiin na lagabog ng paa ng upuan. Akala ko ay baka nagising ang tropa ko, kaya bumangon ako at dahan dahang binuksan yung pinto ng room namin para silipin. Pag bukas ko ng ilaw ay nakita ko yung mga upuan na nakaayos naman at walang tao. Habang nasa dining area, narinig ko na naman yung footsteps malapit sa pintuan. Dito ako napadasal kahit hindi ako madasaling tao, ang lakas ng tibok ng dibdib ko habang nagmamasid sa mga bintana na baka yung caretaker lamang iyon. Ngunit lumalakas ang hangin kasabay ng mga yapak na parang pinaiikutan ang buong bahay. Dali dali akong bumalik sa kwarto at nag lock ng pinto. Nagdasal ako at humingi ng kapatawaran na baka ay may nagambala kaming nilalang. Pinilit kong pumikit at mag dasal hanggang sa makatulog. Kinabukasan ay ikinwento ko ito saking mga kasamahan at sabi saken malakas lang daw tama ko. Sumang ayon nalang ako sa kanila para hindi tuluyan masira ang buong bakasyon namin, ngunit hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Mula noon, tumatak sa isip ko na dapat ay lagi natin irespeto ang kalikasan lalo na sa mga lugar na tayo ay dayo lamang.