r/jollibee • u/_sinderela • 11h ago
π¬ Discussion Ano ang go-to order nyo sa mix and match?
So bilang mag December na, tinanong ko muna kanina sa crew kung available pa ba ang mix and match nila dahil alam kong inaalis nila yun pag malapit na ang pasko. Sadly, hindi na daw. Edi order na ako ng go-to order kong S5 + Sundae at fries.
Usually pinapa-less ko na ang drinks ko sa S5 pero sabi kanina hindi daw pwede. Sadya ba? Dati kasi pumapayag sila na ganon e bilang hindi naman na ako mahilig sa softdrinks kaya kanina di ko rin nainom yung coke. Tas ayun, gulat ako sa presyo ng fries na 60 na pala. Huling alam ko 35 pa. Grabe na talaga ang inflation. Hahaha
Nasanay din ako sa mix and match na isang meal ay 78 lang. E dalawang meal ako lagi dun which is ganyan din. Spag+fries at Burger steak + sundae or float. Imagine the price diff, 2 mix and match 156 lang. Compare sa og price na 270 in total if same order. Big help din pala talaga ang mix and match nilaa.