r/OffMyChestPH • • Jun 11 '26

Testing a lower minimum karma requirement of 100

47 Upvotes

It's been over a year since we implemented the 200 karma requirement for posts and comments. While it has lessened the amount of spam posts, it has also limited the chance of those who aren't as active in the platform to get things off their chests.

Although we cannot completely remove the karma requirement, we've decided to reduce it to make things a little easier.

Disclaimer: Should we see a spike in spam posts/comments again, we may raise the requirement accordingly.


r/OffMyChestPH • • Apr 03 '26

r/OffMyChestPH x Saya - Professional Mental Health Support for the Community

Post image
93 Upvotes

Full disclosure: I'm one of the founders of Saya and a mod of this community. This is a non-profit partnership.

We've officially partnered with Saya (talksaya.com) to make professional mental health support more accessible to our community.

Everything is completely confidential. Start with a quick assessment that matches you to the right professional based on your needs.

Browse their profiles, watch their intro videos, and read real reviews. Not sure yet? Message the professional you matched with for free before booking to see if they're the right fit.

Book and attend sessions online, from wherever you are. Completely private.

After each session, you get a summary of what you discussed so you can reflect on it at your own pace.

If you're not ready to book, that's fine too. You can browse profiles or take our free mental health assessments on talksaya.com/assessments.

🎉 OffMyChestPH exclusive: use code OMCPH20 for 20% off your first session

Ready to take that first step? Download on the Apple App Store or Google Play by searching 'Saya Therapy'.


r/OffMyChestPH • • 11h ago

“buti naman hiwalay na kayo, ang pangit nung ex mo nahihiya lang kami sabihin sayo”

331 Upvotes

Recently, nagkita kami ng close friends ko. Nakwento ko na single na ako, ang sabi ba naman agad “buti naman hiwalay na kayo, ang pangit nung ex mo nahihiya lang kami sabihin sayo” 😭

Ngayon, nakakaramdam na ako ng kahihiyan. Pag mahal mo, gumagwapo sa paningin mo di ba. Minahal ko naman talaga yon, patunay na hindi talaga ako tumitingin sa panlabas na anyo huhuhu


r/OffMyChestPH • • 46m ago

TRIGGER WARNING Cheating leaves you with a life long scar

28 Upvotes

No matter how many times you try to be better, no matter how healed you think you are, no matter how much positive thoughts or healthy psychology you apply - truth is, the pain of being cheated on leaves you with a scar.

Its bitterness only diminishes but you randomly taste it. Thoughts pop out of the blue. A small, very specific trigger brings out the memory.

Tangina. You feel so diminished. Disgusting. Dispensable. Replaceable.

Cheating is a such a cruel act. And no matter what you do, the pain stays.


r/OffMyChestPH • • 1h ago

Malayo pa pero malayo na

8 Upvotes

When I was a kid, nakakatikim lang kami ng spaghetti kapag may pupuntahan kaming birthday ng mas nakakaangat na kapitbahay. Pero ngayon, kaya ko ng magluto ng spaghetti or any pasta dish on random nights or kapag trip ko o ng anak ko. Everytime na nagluluto ako, naaalala ko talaga 'yung pinagdaanan naming magkakapatid noon especially sa pag-asam ng foods like these na we consider luxury. Wala naman akong resentment sa parents ko kasi I know how much they tried everything to provide for us at wala kami sa kinatatayuan namin ngayon kung hindi nila kami pinalaki sa paraang alam nilang tama.

Nakakatuwa lang kasi hindi nararanasan ng anak ko ngayon yung pinagdaanan namin. Minsan naluluha pa talaga ako habang kumakain 🥹 To share also, I think unti-unti na naming nahiheal na magkakapatid yung inner children namin kasi hindi na namin pinoproblema ang budget kapag gusto namin magexplore ng iba't-ibang dishes.

I hope everyone going through what we had when we were younger will also succeed kahit sa small things like this. Nawa'y manalo tayong lahat sa buhay.


r/OffMyChestPH • • 7h ago

Nakakapagod maramdaman na wala akong halaga dahil lang may sakit ako.

21 Upvotes

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Dialysis patient ako at kailangan kong limitahan ang iniinom kong tubig. Kaya lagi akong naglalagay ng mga bote ng tubig sa freezer. Gusto ko kasi sobrang lamig ng tubig ko. Gusto kong masulit at ma-enjoy ang bawat inom dahil hindi naman ako basta-basta puwedeng uminom kapag nauuhaw ako.

Ang problema, kapag may umiinom sa bahay, hindi nila pinapalitan. Minsan nawawala pa mismo yung bote. Ilang beses ko na silang sinabihan pero paulit-ulit pa rin.

Kanina, nainis ako at napadabog. Ang ending, ako na naman ang masama.

Sinabi ng mama ko, "May sakit ka na nga, ganyan ka pa." Sinabihan din niya akong huwag maging masama sa mga kapatid ko dahil sila raw ang mag-aalaga sa akin balang araw. Sinabi pa niyang hindi naman daw ako aalagaan ng boyfriend ko. Sa totoo lng bf ko naghahatid sakin,nagpapaligo, minsan dun din ako magsstay sa kanila. Inuuhan agad niya di ako aalagaan sa future.

Sobrang sakit marinig nun.

Imposible ba talagang may mag-alaga sa akin sa future? Bakit kailangan niyang pangunahan na walang mag-aalaga sa akin? Bakit kailangan niyang gamitin yung posibilidad na iyon para takutin ako at iparamdam na kailangan kong magpakabait dahil baka wala akong maging sandalan balang araw?

Ang mas masakit, kapag ibang tao ang nagagalit, parang okay lang. Pero kapag ako ang napuno, biglang masama ang ugali ko at kailangan kong magbago.

Alam kong hindi rin naman palaging tama ang paraan ng pag-express ko ng galit. Inaamin ko iyon. Pero ibig bang sabihin na dahil may sakit ako, wala na akong karapatang magalit? Kailangan ko bang laging magpasensya at manahimik dahil umaasa rin ako sa tulong ng ibang tao?

Hindi naman ako humihingi ng espesyal na pagtrato. Gusto ko lang ng kaunting konsiderasyon.

Pagod na akong paulit-ulit ipaliwanag kung bakit mahalaga sa akin kahit ang maliliit na bagay. Pagod na rin akong maramdaman na nakadepende sa pagiging kapaki-pakinabang ko ang halaga ko bilang tao.

Sana maintindihan ng pamilya ko na marami na akong pinagdadaanan physically. Ayoko naman mafeel na burden ako sa sarili kong bahay.


r/OffMyChestPH • • 8h ago

i just wanna vent out because of my mom’s irresponsible financial decisions

20 Upvotes

i (f22) is feeling frustrated sa mom ko.

earlier this year, we were already behind on our dorm rent. i remember there were times na hindi niya kami binibigyan ng pambayad sa dorm, and i started suspecting na yung budget na supposedly for our rent was being used for her australia trip w/ her friends instead (hotel bookings, flights, etc.). the trip happened a few months ago, and i honestly don't think my dad, who's an ofw, knows about the rent falling behind part.

after my mom came back from australia, saka lang ulit siya nagbigay ng budget for our dorm rent. i guess our landlord wasn't really collecting the rent at the time, or baka nakalimutan na rin niya. but when he eventually found out na five months na pala kaming behind sa payments, doon na siya nagsimulang maningil.

now, something happened within the family that requires us to commit to paying ₱40k per month. my dad hasn't returned sa barko yet, so as of now, we're really struggling financially and wala talaga kaming extra money.

what makes it even more stressful is that our landlord has been contacting me directly (3x already this month) about the unpaid rent. sa akin tumatawag and nagfo-follow up, so ako rin yung napepressure kahit hindi naman ako yung may hawak ng budget in the first place.

and honestly, whenever i think about it, i get frustrated because this could've been avoided if the money intended for our dorm rent wasn't spent on her trip to australia with her friends. now we're left dealing with the consequences of financial decisions that weren't even ours to make. aaaa it’s so frustrating!!


r/OffMyChestPH • • 58m ago

Parang gusto ko mawala bigla

3 Upvotes

Gusto ko lang ilabas ito. Nakakaloka yung experience ko today, naglalabas ako ng basura para bukas kasi maaga kinokolekta yung mga basura dito sa subdivision namin kapag linggo. Nwala sa isip ko na may mga mangangaroling pala. Edi ang epic fail nung nangyari kasi as in shock ako na parang may nakatutok saken patalim at hoholdapin ako kaya kailangan kong magbigay. Jusko, sa pagtitipid ko mas lali ako napapagastos kaya hindi ako lumalabas at sa bahay lang. So nagbigay ako ng 150 sa sobre at hindi ko na binasa para makaalis na sila. Hanggang sa natapos yung caroling nila, nagtago na ako sa gilid at sumalampak kasi sobrang nahihiya ako. Ano ba yan nakakaloka natatawa ako sa sarili ko punyeta.

Share ko lang, kapag christmas season talaga ito yung isa sa mga awkward moments ko pag may nangangaroling bwesit HAHAHA kawawa talaga


r/OffMyChestPH • • 21h ago

I finally stopped convincing myself that he was just "not ready”

70 Upvotes

There’s this guy I dated. We’ve been talking consistently since April 2025, then decided to meet in Dec 2025 before the year ends. It was good, we vibe good. Parang ang kalmado lang. After that, it became consistent weekend dates. Lagi na akong pinupuntahan almost every weekend unless work happened. It felt genuine kasi nga, diba? Ang consistent.
Until I got pregnant. The moment I found out, I knew to myself na whatever happens, I'm ready to have a baby. I'm 32 at that time, so I guess okay na. Kaya ko naman. I laid out all the options to him, na kung di siya ready, I would understand kasi 5 years younger siya sakin. Sabi ko I can handle it alone. Malulungkot ako if he doesn't want it, pero magiging okay din ako. Pero sabi niya papanindigan niya.
So I asked every possible scenario we could encounter. Kaninong apelido gagamitin, paano if my parents wanted to know kung sino yung tatay, ipapakilala ko ba siya, ano yung pagpapakilala ko sa kanya. Lahat was asked and answered. I also emphasized na support lang siya ng kaya niya. Not required, basta kung ano lang yung willing siya. No pressure.
Then one of our pillow talks, nasabi ko na “sobrang okay ako na magkaka-baby ako kasi technically expected na rin naman to ng tao sa paligid ko because of my age,” then nasabi niya na “plano mo lang yan, di ko plano yan.”
Over the months, di talaga kami nag-aaway. Ma-annoy lang ng a little pero di naman nag-aaway. Pero after niya sabihin yun, I started having spotting. First time ko. Pero andon naman siya during ultrasounds.
To make it short, I got a miscarriage. 5w6d, blighted ovum. The day I knew about it, nakiusap ako sa kanya to take an emergency leave, pero he refused. Mahirap daw mag-leave pag di immediate family. Walang call from him, walang hospital visit during and after hospitalization. Pero he went naman the weekend after ng procedure. He was there at times.
What makes me mad is yung a week after ng raspa ko, nakapag-sick leave siya dahil may job interview siya. Parang it makes me so mad and it bothers me so much na kaya naman pala? Bakit nung time na kailangan ko, hindi pwede? Hindi immediate family? E ano ba yung tinatanggal sakin? I was grieving because I lost my baby and the thought of being a mom.
Weeks later, I asked, “What is this?” Kasi for months, we were never confirmed what we had. I'm not asking for commitment, I'm asking for clarity. Kasi it was making me think a lot of things and it bothered me so much. And he said he still needs time kasi napre-pressure siya. After hearing that, I knew to myself na yun na yung sagot. Then I ended it.
Nakiusap siya na makipagkita before ending everything. Para sa kanya, what I was asking was for him to commit. Sinabi niya na di siya ready for commitment, hindi ready sa relasyon. He was shocked about what happened. Yung pregnancy, hindi raw siya ready emotionally, mentally & financially. So nung tinanong ko siya kung itutuloy pa ba whatever we had, sabi niya ititigil na raw. I let go.
After that day, we never talked na.
Then recently, nakita ko na may pinost na siyang other girl. Sabihin na natin na it's my bruised ego talking right now, pero parang shame on me for believing that “not ready” shit to the point na I took effort not to paint him as a bad guy, only to realize later on, even before him posting a new girl, na ang dami niya rin talagang lapses. Good thing na hindi na nag-push through whatever we had.
And I think what hurts is realizing na I gave him so much understanding. I made room for his fears, his circumstances, his age, and everything he said he wasn't ready for. I never forced him into anything. I even made peace with the possibility na ako lang mag-isa magpapalaki ng baby. Pero somehow, I was still left questioning myself and what I did wrong.
Now seeing him with someone else makes me question what “not ready” really meant. Maybe he wasn't ready then, maybe he just wasn't ready with me. And honestly, that's a painful realization. Not because I want him back, but because I spent so much time trying to understand him, defending him even to myself, when I should've also acknowledged how much I was hurt by his actions.
I'm not saying he was entirely a bad person, but I don't think I owe him that much understanding anymore. I can acknowledge the good moments and still recognize the things he failed to do when I needed him the most. And maybe that's the closure I need. Hindi ko kailangang gawing villain siya para lang ma-justify kung bakit ako nasaktan. I just need to stop making excuses for the things that hurt me.


r/OffMyChestPH • • 1d ago

NO ADVICE WANTED I am now so aware na my closest cousins are in illegal business, disappointing.

173 Upvotes

They never finished college but had a few house near the metro, nakakapag travel, always eating out and having coffee almost everyday (basing from their posts) and they dont have a regular 9-6 job. But as far as I know merong mga business and other stuff, na they rarely post. They have a high maintenance tlifestyle. Palit phone every October, houses, cars, golds, shoes, anything uso na co collect, in this economy. Nakakapagtaka nga naman.

Before knowing na galing sa illegal and purely thinking na its from businesses and they worked hard for it, I was genuinely so happy for them. I always heart their posts and comment and privately message them abt how happy ako ngayon sa na reach nila even though daming obstacles etc. Oblivion ako for a long time and maybe thats because I love them so much. Pero someone close to me warned me na be cautious nga magsasama with them at baka "madamay" sa kung ano man ang pinasok nila. Wag na wag na daw ako mag stay to any of their houses kahit wala naman akong alam and ginagawa kasi kapag na raid, damay damay na. She was saying that with love and concern and I'm left in utter shock sa lahat ng nalaman ko.

It's so disappointing, galit na galit din yan sila sa corrupt na government, kila Discaya, sa mga nepo babies na nakikinabang sa mga corrupt nilang magulang, leaning din towards good governance, nagagalit sa mga content creators na nag su support sa mga Villar at kung sino pa mang politician and most especially, maka Diyos??? AND YET they get money from all the wrong places... napaka hypocrite 😞

Ngayon di ko na kinakaya kapag nag ppost sila ng "Thank you Lord" "God provides" and mga getaways and eatouts kasi sa loob loob ko. Di yan galing kay Lord, mahiya naman kayo. I know, who am I to judge pero I cant stop and di ko na alam kanino pa ilalabas to kasi honestly, nakakahiya. Nakakahiya maging associated with them... Baka mamaya isipin yung mga ganap ko na pinag trabahuhan ko and galing sa clean money is pag isipan din ng masama.

Right now the company na I worked with had a massive layoff. Inaaya nila ko to join their vacation and I declined. Sa family gc may comment about why di ako kasama, nag reply yung isa dun and sinabi na wala daw akong pera (bcoz jobless i think but idk) I replied na I have but its not for vacations, in this economy, I would rather practice to budget what I have. They didnt respond na. Dyan ako na trigger as to posting this. Gusto ko talaga ireply, kung mag iillegal din ako baka nilibre ko pa kayo lahat hahahah.

Going back, I'm still kinda happy na wala akong alam sa mga pinag gagawa nila and di ako involved. Atleast nakakatulog ako na wala akong nasisirang buhay at di ako nakakadagdag sa problema ng bansang to.

Lagi ako nag jjoke na papasukin ko na kahit illegal pero now knowing this, di natitiis ng sikmura ko.

Thank you for reading this long vent.

Please dont share this to any other soc med sites.


r/OffMyChestPH • • 4h ago

Thinking about therapy

3 Upvotes

Been to therapy before but stopped going because it just felt like I was doing too much for something that shouldn’t be mine to fix. Fast forward to today, I’m just struggling to process some things in a healthy manner. But I’m hesitant to try therapy again kasi feel ko if I do therapy, it’s just gonna sound like someone ranting about their shallow problems in life.. thoughts go through my head like.. what would a doctor think about this? Baka naman it’s not even a psych’s job to guide me through a situation such as navigating trust issues kasi sa totoo lang my current problem is something people talk to their friends about. Pero I don’t want to involve anyone else with my struggles, kaya pinagiisipan ko bumalik sa psychiatrist. I was previously diagnosed with GAD but I didn’t continue any kind of treatment because of reasons shared above. Tbh I managed well naman the past few years. But now… idk. Like is it normal for me to feel like my problems are not big enough to get help, yet, feel ko need ko na talaga? Idk if I should just go for it. I just hate the fact that I’m the one who seemingly needs therapy because of someone else’s bad behavior. Ako na nga nagsuffer, ako pa yung maghahanap ng way mag cope at my own expense?? Life is so unfair.


r/OffMyChestPH • • 3h ago

Relationship Rant

2 Upvotes

Iyong sister ng partner ng ate ng boyfriend ko may gusto sa jowa ko. Initially, bago pa kami maging kami, nireto iyong girl sa kanya kasi nga type niya. However, my boyfriend never reciprocated her feelings, nor did he ever pursue her. Fast forward to now, ako iyong niligawan niya, and we're already in a relationship.

Kagabi, the very same girl was present sa birthday celebration ng ate ng boyfriend ko. Umuwi na ako by that time. Kinuwento ng boyfriend ko na lumalayo naman siya sa girl, but at some point, naupo iyong babae sa tabi ng isa sa mga tropa ng boyfriend ko. During the picture-taking, bigla na lang daw humiga iyong babae sa balikat nung tropa niya. After the picture-taking, sinabi raw nung girl na akala niya boyfriend ko iyong nakatabi niya.

I appreciate the fact na lumalayo naman boyfriend ko sa kanya. However, at the same time, I wish he would be more assertive and actually say something doon sa girl. Not necessarily to create a scene, but at least to make her feel embarrassed enough to realize that her actions are inappropriate and that her intentions are unwelcome. I feel like there should be a point where someone needs to draw the line and put an end to this kind of behavior.

Frankly, this isn't the first time na nagpakita ng motibo iyong babae. Ang hirap lang sa part ko kasi wala akong masyadong magawa. She's the sister ng partner ng ate ng boyfriend ko, so there's an existing family connection that makes the situation a little more complicated.

Plus, wala naman talaga akong action na dapat pang gawin because I feel like ako lang ang mapapahiya if I confront her. Baka matuwa pa iyong babae kapag inaway ko siya. Lol.

I don't want to come across as an insecure or jealous girlfriend, but I also don't want to keep brushing off behavior that I find disrespectful. I know my boyfriend isn't entertaining her, and I appreciate that. I just wish he would establish clearer boundaries instead of relying solely on avoiding her.


r/OffMyChestPH • • 13h ago

anxious attachment

13 Upvotes

Is being anxious a sign of insecurities? I'm a guy who's anxious about the movement of my girl, i always overthink based on her replies and behaviors.

I want her emotions to feel valued so why I always ask her if everything is okay, I don't want her to feel a burden.


r/OffMyChestPH • • 23h ago

I gave a cheater a chance, and he immediately proved me wrong

71 Upvotes

You wanted a slow burn before getting into a relationship, and I agreed because you said your previous ones moved too fast and didn’t end well.

You were upfront about cheating on your ex and admitted you knew it was wrong. You told me you knew better now and wanted to build a strong, solid foundation for our would-be relationship. Despite saying that cheating is a hard dealbreaker for me, I still gave you a chance.

You told me you were having separation anxiety because I was going away on a trip for a whole week. So, I comforted you and made plans to see each other the absolute soonest I got back.

But little did I know, that exact same night I left the country, you were out with a "friend," kissing each other while I was worrying about you—even though I had to prepare for something deeply mentally and physically demanding.

You had the guts to send me sweet well-wishes while you were with that guy. I realized that the "slow burn" was just an excuse for you to keep seeing other people while stringing me along with promises about our future. You didn’t learn a single thing from your past mistakes, and now you’re trying to use the fact that we didn't have an official "label" yet as a technicality to justify what you did.

The worst part is that I put my routines and hobbies on hold because I made you my priority. Now that I’m trying to get back to them, all I can think about is how I'm just using them to distract myself from you. The life I paused, and am now trying to resume, is completely tied to you.

What I still can't fathom is how you think you did nothing wrong and can sleep peacefully without a single ounce of remorse, while I'm the one left picking up the pieces.


r/OffMyChestPH • • 1h ago

Pagod na 'ko

1 Upvotes

I work as a contractual in a government atm. Sobrang pangit at salbahe ng immediate supervisor ko. Dahil EA sya ng isang Usec, she thinks na mas mataas sya kahit kanino. Spends the office fund whenever and on whatever she wanted. And always power trips employees she cannot hold the neck off.

First months ko sa kanila, ok naman. Mabait sila sa akin. I have a perk na libre ako ng food sa work. Pamasahe lang ginagastos ko, kaya sobrang laking tulong para sa isang breadwinner. Daming workload pero dahil open contract kami sa office, I never think much of it kasi ang pagkakaintindi ko, kahit ano talagang task ibigay sayo, need mo talaga gawin. Until recently, di ko na kinaya yung workload kasi pati trabaho nila at work ng kapwa ko COS na close sa kanya sa akin na binibigay. Lagi ako OT, on weekends, need ko inuwi yung work to be able to keep up. Pero negative pa rin. I asked for help, and they hired a new employee. Pero sobrang lala na ng naging sitwasyon and na threathen yung paggalaw nila sa funds ng office. Sa madaling sabi, nasilip yung ginagawa nila. Kaya they removed me from the "team". And spread rumors na nagfo-forge ako at ako ang mangungupit sa funds ng office.

But too bad for them may evidences ako na nagpapatunay na di ako ang gumagawa ng kabalastugan sa office. Screenshots of direct orders on gc, their out of town trips, lunches on expensive restaurants. Etc.

Then, one time tinry nila ako ipahiya sa gc. Framing me for something I know nothing about. Kaya pumalag na ko. Nag lay low sila after non. Yung new hire naman ang pinag-iinitan nila ngayon. Same tactics - pagpapahiya, pilit na pinag o-OT at kung ano-ano pa. Hanggang kahapon, nagmessage sa akin si ate (mas matanda sya sa akin), na mag aawol na sya. Di na sya papasok next week kasi di nya na kaya yung mental and psychological stress namin sa work.

Everyweek, and topic namin sa work ay sila. Topic namin na twing linggo ng gabi para kaming lalagnatin at nasusuka. Ayaw namin pumasok.

To be honest, masaya ako para sa kanya pero naiingit rin talaga ako. Kasi unlike her, wala akong ipon. Di kami nakatira sa sarili naming bahay, nangungupahan lang kami. Ako lang may work sa amin sa bahay. Di ako pwede basta-basta bumitaw lalo't magpapasko at marami akong dapat bayaran na utang. Pagod na pagod na talaga ako.


r/OffMyChestPH • • 2h ago

MAGING MAUTAK KA SA MGA NAKAKASAMA AND NAGIGING KAIBIGAN MO!

1 Upvotes

As a girlie na nasa early adulthood na, ako usually, medyo sensitive talaga akong tao, not just emotional, but one thing I notice is I can feel the room in every environment I go. I really treasure every relationship I've been whether its friend or deeper than that. I really mean into my heart kapag naging kaibigan kita. Hindi din ako pala kaibigan, pero marunong naman makisama, but yung word na friend kase is really mean to me, kaya konti lang yung taong tinuturing ko around that.

But when I enter in this college era (BTW I'M 3RD YEAR), wala andami ng mga lessons around relationship ang nararanasan ko nowadays. May mga cof akong napuntahan na hindi good influence in my life, kaya I choose na umalis sa cof nayon. Hindi ko sila inaway and hindi ko sila inano, but I just move away and choose myself. Ang hirap lang kase na ang goal mo is magkaroon ng magandang journey sa school tapos mga kasama mo, tamad pumasok, hindi nag re-review, puro cheating, scatter tapos mga sinungaling pa.

Anyway, after that I was able to choose other friends din naman, where same values when it comes sa school and talagang goods din naman sila. Naging magkaibigan kami, tumagal din naman, nakakainom ko sila and such. Sumaya ako aminin ko, nakakagala ako kasama sila na talagang where good ano. Akala ko, sila na yung magiging kaibigan ko hanggang dulo. (btw we're a group of girl friends). May naging sobrang close pa ako na sabay kami laging nauwi kase same lang kami ng route pauwi. Tapos ayun, sobrang naging malapit ako sa kanya, I even tell her yung ibang mga pangyayari sa buhay ko na never kong kinuwento sa iba. Naging sobrang comfortable ako and aminin ko, I really love her as a friend, I really appreciate her. Sobrang goods namin in terms of relationship, kase we can talk deep talks in life, while after that conversation kaya parin namin mag kwento ng mga katarantaduhan para sumaya. Talagang kumbaga para kaming magkapatid, kase alam na namin halos ang isa't isa. Ako naman bilang babae, I really love her, aminin ko na I really love our relationship. So ayun, parang goods na lahat, parang fantasy na lahat, kase kung titingnan mo, nagkakasundo naman kami sa lahat ng bagay. So nabuo agad yung relationship ko sa kanya, yung tiwala ko, yung pagmamahal. Kase ayun din yung isa sa gusto ko sa isang tao yung kaya kong makipag kwentuhan ng deep talks sa kanya na hindi mo maririnig sa iba, kase yung iba pag deep talks na iba iba na ng perspective. Pati akala ko itong friend ko na ito is really matured na.

Ayun, kala ko goods na ang lahat. Expected ko na kahit hanggang sa graduation eh sana maging magkaibigan kami. Pero hindi din nagtagal ang relationship namin. Inaway ko? hindi, Actually hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko, saan ba ako nagkamali? naging masama ba ang ugali ko? Alam ko nagkamali ako sa part na medyo incompetence pa ako at that time and wala sorry kung hindi ko nabigay yung nararapat na value para ipasa yung group activity natin.

Dahil sa isang group activity, naging groupmates kami, ang saya ko pa nga kase sabi ko sa sarili ko, ayun kahit papano may kasundo na ako and hindi na mahirap yung mga kasama ko kase itong isang to bukod sa goods na sa academics eh, bestfriend ko din. So akala ko kahit mag fail kami eh alam mo yun, lesson learn. Pero baliktad ang nangyari....

During those days of activity, dun ko napansin din talaga yung ugali niya. Eventually, siya yung naging leader namin. Akala ko goods, but at some point napansin ko na leadership niya is bossy. Like siya magiisip ng lahat tapos ang gagawin lang namin ay sumunod. Bilang member na dating laging leader, nasasakal ako, syempre kaya group siya kase nga lahat kayo kailangan mag contribute hindi lang sa actions but also in mind. Pero ang laging nangyayari siya lagi nasusunod, na parang laging tama siya. Kaya ang nangyari na mis-manage niya yung group namin. Ultimo yung mga bagay na mahahalaga na kaya naman naming gawin, siya parin gumagawa na parang walang tiwala samin o egoistic lang siya na gusto niya siya lahat gagawa, kahit nahihirapan na siya. Actually, nakita ko din yung pattern wherein siya yung leader. Hindi talaga leader, kundi boss, kase pag nakipag argue ka eh, ipapakita niya talaga na yun yung tama, kahit may mas better naman. Until, na kayo lang din ang mag-aaway. In simple words, para kaming robot na wala ng ibang gagawin kundi sumunod. Ayaw ko ng ganun and as you can see hindi nagiging maganda yung results ng ganung pamumuno. Pati, at the end, magre-reklamo ka na pagod ka, eh pano ngang hindi ka mapapagod eh ikaw mismo pinapahirapan mo sarili mo. Di ko alam kung may gusto kalang patunayan o wala kang tiwala samin.

At this point, wala na akong pake sa activity namin. Ang gusto ko lang eh matapos na ito para makaalis nako sa kanya. Tapos ayun, tapos narin. Aminin ko sumama loob ko sa kanya, nagagalit ako, pero kinimkim ko yon. HIndi ako nag labas ng sama ng loob kase ayaw kong masira relationship namin o ayaw kong magkaroon ng kaaway.

Pero after that, sobrang magkaibang magkaiba na ang relationship namin. Iba na trato namin sa isa't isa, hindi na kami ganon nagpa-pansinan. Pero para sakin, kung ano mang nangyari dun sa situation nayun, ok lang, tapos na naman eh, pero I smell something din kase na hindi na maganda. I realize a lot na sabi ko, back out na ako sa ganitong friendgroup.

Kase una kong narealize is palagi silang may nasisita na mali ng iba. In short, judgemental. Like lahat naman tayo nagkakamali, pero bakit sa lahat ng bagay may nasisita kayo. Until, dumating sa point na napansin ko, sila sila din, nagsisiraan, pag yung isa wala, nababanggit yung mga pangit na ugali ng isa and vice versa, pero magkakaibigan parin naman and nagsasama sama parin naman hahaha. Na ngayon ko na realize na, feel ko ako din sinisiraan narin niya ako sa iba. Pati napaka plastic, napaka galing makisama ng iba, yung akala mo eh goods kayo, tapos yun pala, sinisiraan kana sa iba. Alam ko to, kase yung ibang taong nakakasalamuha nila, naku-kwento nila sakin na ayaw nila sa kanila. Ngayon ko narealize na baka all this time, pina-plastic lang din nila ako. Ngayon ko narealize na kung sino pa yung nang-ju-judge sa iba, minsan mas worst pa sila dun o minsan sila din yung taong jinu-judge nila.

Yung sinasabihan nilang plastic and hindi marunong makuntento? Ngayon ko narealize na siya lang din pala yon.

Kaya natutunan ko ngayon, na if you want to trust someone, don't believe what he/she always saying to you na siya daw yon. Huwag mong paniwalaan masyado yung isang tao, kahit gaano man siya ka mature magsalita. Always remember, focus on behavior, rather than what he/she always saying. Especially, when a person is always judging or noticing someone's flaws kahit wala na namang sense pang pansinin.

Also, another lesson ko here is never go into friendship, wherein, it built through goosipping, judging someone or any negative thing man yan. Kase at the end, kayo at kayo rin ang mag sisiraan sa isa't isa. Also, don't friends those people na palaging iba iba ang friend group, OO I udnerstand na may socializing tayo, pero iba parin kase yung loyalty sa isang kaibigan na kahit nakikipag socialize eh friend parin. Pero yung pa palit palit ng friend group, iba nayun.

Anyway, ayun I know sobrang haba nito. Sana basahin niyo, I just want to get some takeaways or personal story niyo around friends. Sana may mapulot din kayong lesson haha


r/OffMyChestPH • • 11h ago

NO ADVICE WANTED Does anyone else feel like we're slowly outgrowing the magic of Christmas?

5 Upvotes

Do you guys ever experience holiday blues?

I don’t know if it’s just me, but Christmas, birthdays, and holidays don’t feel the same anymore. When I was a teenager or in my twenties, I used to get so excited about these occasions. There was always something to look forward to.

But now, birthdays feel like just another ordinary day. A few close friends would greet you, and you’re grateful for that, of course. But somehow, the excitement isn’t there anymore. Even when you want to celebrate with the people closest to you, finding the time becomes increasingly difficult. Everyone has their own lives, responsibilities, families, and priorities now.

And then there’s Christmas.

I think one of the saddest realizations of adulthood is becoming more aware of how much things have changed. Every year, someone seems to be missing from the family. Friends and batchmates are getting married, having children, and starting their own families. Our nephews and nieces are growing up. Our titas and titos are getting older. Our parents aren’t getting any younger. And we’re getting older, too.

Someone in our family just passed away two days ago, and I guess that made everything sink in even more.
I miss the kind of Christmas where the family was almost always complete. Where the house was full, everyone was around, and there was so much noise, laughter, food, and excitement. Back then, we probably didn’t realize how special those moments were because we thought they would always be there.

I think I’m at that age where I’m no longer just excited about growing older. I’m also beginning to grieve the things, people, and moments that I now realize I can never get back.


r/OffMyChestPH • • 1d ago

Read something at my bf’s phone

193 Upvotes

I was casually scrolling on my BF’s phone while he was in the cr when a notification from his mom popped up. Usually, pag may message, I just read it out loud to him. Since he wasn't there, binasa ko na lang, and I froze at what I read.

His mom forwarded a message from bf’s tita saying huwag na raw akong iuwi sa bahay nila dahil tumataas ang kuryente kasi palagi raw naka-aircon.

I was shookt and just stared at the screen trying to do the math.

For context, I live in the province and bf lives in Manila, so I barely even go to their house. I only stay there for 3 days once per quarter kapag nag-oonsite ako. Just this November, I stayed for 3 days for work, tas the next week nagstay din ako overnight because may lakad kami ni bf.
Four days total ngayong Nov, and somehow ako yung dahilan kung bakit tumaas yung Meralco bill nila?? hahaha 🥲

To add more context to the living situation:
- My BF lives in his lola’s house with his lola and his tita.

- Few years back, both bf’s fam and his tita’s fam lived there. Eventually, my bf’s parents bought a house in etivac, and bf stayed kay lola since it’s closer to his office. Tapos, his tita’s fam moved out din (she separated from her husband, and her kid moved out too).

So right now, it’s just the three of them in the house, and my bf and his tita split the utilities.

Bf still has no idea I saw the text, and honestly, I don’t even know what to feel. I’m half-offended, half-amused at how ridiculous the accusation gis.Like??? Hahahaha

Tapos nabasa ko pala ulit yung message,bf was mad kasi bat nga daw sa akin sinisi e bihira lang ako sa bahay saka parehas lang naman ang gamit ng ac nandon man ako o wala. Nag-agree naman yung mom nya tas wag na lang daw sabihin sa akin kasi nakakahiya raw ang behavior ni tita. E ako nga nahiya e hahahahahahaha 🥲


r/OffMyChestPH • • 18h ago

TRIGGER WARNING right decision hurt too

18 Upvotes

I let my girl walk away. I didn't argue, say a word, or try to stop her.

The truth is, I'm worried about my future. I'm not a rich man, but I know how to be responsible with money. She wants to travel, enjoy life, and live comfortably while she's already drowning in debt.

I keep thinking about what would happen if we got married. Would those financial problems eventually become mine, too? Would I spend my future paying for debts I never created?

As painful as it is, I feel like I had to stop things before they went any further. Sometimes, loving someone isn't enough if you're heading in completely different directions in life.

And now, here I am, sitting alone in a coffee shop, smoking, trying to process everything.


r/OffMyChestPH • • 20h ago

Happy Post 💛 Birthday ko

23 Upvotes

Magpost lang ako rito para sabihing birthday ko today. Tara kain!

Halo-halo yung nadarama ko ngayon actually. Gusto kong kumain, gumala pero at the same time gusto ko magpahinga kasi nakakapagod yung week na ito.

Happy birthday sa mga kabirthday ko dyan!


r/OffMyChestPH • • 13h ago

TRIGGER WARNING Gusto ko nang matahimik.

6 Upvotes

Joke lang ‘yon. I’m not doing any better. Hindi gumiginhawa. Napaka fucking ufair ng buhay. Nakakapagod umintindi nang umintindi nang umintindi. Nahuhurt ako ngayon pero iniisip ko pa rin hindi ko rin naman totally alam kung ano nangyayari sa ibang tao behind closed doors. Pero sobra sobra sobra na taaga akong nasasaktan.

Pagod na ako kakaisip kung bakit lagi akong naiiwan. Sa friendship, partners, family. Ewan ko ba. Parang am i not worth it? Am I not worth anyone’s time and love? Napakarami kong pagmamahal sa puso ko pero bakit hindi ma-reciprocate. Mas gusto ko na lang mamatay kesa kumilala pa ulit ng ibang tao. Kesa magpapasok nanaman ng tao sa buhay ko.

Ilang linggo ko nang hinihiling na sana masagasaan na lang ako. Wala nang pinipiling oras ‘tong mga iniisip ko gusto ko nang matahimik. Sobrang bullshit ng buhay


r/OffMyChestPH • • 1d ago

The hardest part wasn't losing him. It was finding out who he really was.

42 Upvotes

I recently ended my relationship, and finally, nalaman ko na rin yung katotohanan tungkol sa taong minahal, inalagaan, at pinagkatiwalaan ko for almost half of my life.

For the past few weeks, I’ve been seeking professional and spiritual help. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming pagkakataon na sinisi ko yung sarili ko at inisip kung saan ako nagkulang.

Sinubukan kong magkaroon kami ng final closure dahil gusto kong malaman lahat-lahat ng totoo. Ewan ko, ganito kasi talaga ako. Gusto kong malaman ang buong katotohanan kahit gaano pa kasakit dahil naniniwala ako na ito yung magpapalaya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa mabuhay na maraming unanswered questions.

Hindi siya pumayag na magkita kami in person, pero nag-reply siya sa chat ko at finally, sinabi niya yung mga bagay na matagal niyang itinago sa akin.

Nung unang beses kaming naghiwalay dahil sa ibang babae, on our third year of being together, hindi raw sila nagkatuluyan dahil umuwi sa probinsya yung babae at pinili ang pamilya niya. Inamin niyang bumalik siya sa akin dahil malungkot siya nung mga panahong iyon at sigurado siyang tatanggapin ko ulit siya.

Nagkabalikan kami at tumagal pa ng 10 years ang relationship namin. Buong akala ko pareho na naming nalampasan yung nangyari noon. Pinilit niyang makuha ulit yung tiwala ko. Binigay niya pa lahat ng passwords sa accounts niya para raw sa peace of mind ko.

Hindi ko alam na yung pagbabalik niya pala sa akin ay hindi dahil ako talaga ang pinili niya, kundi dahil alam niyang tatanggapin ko siya.

Naging confident ako na hindi na niya uulitin yung ginawa niya noon dahil may access naman ako sa accounts niya.
Pero after 10 years of being together again, ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga naputol yung communication nila. Sa ibang messaging app pala sila nag-uusap nang wala akong kaalam-alam.

Naging takbuhan daw nila ang isa’t isa kapag may problema sa buhay. Nag-uusap, nagvi-video call, nagko-comfort sa isa’t isa, at pinag-uusapan pa nila yung panghihinayang nila na hindi sila nagkatuluyan.

Nag-confess din siya na mahal pa rin daw niya yung babaeng yun, pero bilang kaibigan na lang. Eventually, naging casual na lang daw yung communication nila. Nagbabatian sila tuwing birthday. Wala lang daw sa kanya yun dahil wala naman na raw siyang balak balikan yung babae.

Tuwing may problema yung babae sa boyfriend niya, mine-message pa rin daw siya nito at kino-comfort naman niya.

Ang hindi ko maintindihan, kung wala lang pala sa kanya lahat ng yun, bakit kailangan niyang itago sa akin? Knowing na yung babaeng yun mismo ang naging dahilan ng unang paghihiwalay namin at alam niya kung gaano ako nasaktan noon.

Whenever I expressed my discomfort tungkol sa babaeng yun, ako pa yung lumalabas na sobrang selosa at walang tiwala. Hindi pa ba raw ako masaya na bumalik siya sa akin?

Pinagdudahan ko pa yung sarili ko kung unreasonable ba talaga ako. Yun pala, may dahilan naman pala yung nararamdaman ko all those years.

Imagine, 10 years kong inakalang pareho naming piniling mag-move forward mula sa nangyari noon, yun pala patuloy pa rin niyang pinapanatili yung connection niya sa mismong babaeng naging dahilan ng unang paghihiwalay namin.

Sa loob ng sampung taon, pinagkatiwalaan, minahal, inalagaan, at dinamayan ko siya sa mga problema niya sa buhay. Hindi ko alam na may iba pa pala siyang taong tinatakbuhan. Habang ako, buong akala ko pareho naming piniling ayusin at ipaglaban yung relationship namin.
Inamin din niya na matagal na raw may kulang sa nararamdaman niya para sa akin, kaya naghahanap siya ng ibang babaeng makakausap. Hindi lang pala yung babaeng yun. Nakikipag-usap din pala siya sa ibang mga babae, naghahanap ng kung ano mang pakiramdam na hindi niya raw nakukuha sa akin.

After 13 years of being together, kinukwestyon pa rin pala niya kung ako ba talaga yung gusto niyang makasama habang buhay.

Nung nakipaghiwalay siya, sinabi niyang kailangan niyang harapin mag-isa yung mga problema niya. Hindi na raw niya nakikita yung future niya with me at hindi ko raw siya deserve.

For weeks, sinisi ko yung sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkulang, kung may mga bagay ba akong dapat ginawa, at kung may pagkakataon pa sana na maisalba namin yung relasyon.

Naawa pa ako sa kanya dahil akala ko sobrang bigat lang talaga ng mga problema niya sa buhay. I even went to different churches to pray for his healing and peace of mind.

Hindi ko alam na habang iniintindi ko siya at ipinagdarasal na maging okay siya, ang dami pala niyang bagay na itinatago sa akin.

Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong klaseng mga tao. Yung kayang panatilihin ang connection nila sa isa’t isa sa loob ng maraming taon kahit may kanya-kanya silang partner. Tapos kaya pa nilang i-justify na friendship lang naman daw yun.

Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawang makipagrelasyon sa ibang tao habang patuloy nilang pinapanatili yung ganung klaseng emotional connection sa isa’t isa. Hindi ba nila naisip kung gaano kasakit yun para sa mga partner nila?

Kung wala lang talaga yun, bakit kailangang itago? Bakit kailangang magsinungaling? Bakit kailangan pang palabasin na ako yung sobrang selosa?

For me, hindi na simpleng friendship yun. It was an emotional affair and a betrayal of trust.

Hindi ko akalain na yung mga ganitong kwento na nababasa ko lang dati, mararanasan ko rin pala mismo sa sarili kong buhay.

Hindi ko sinasabing naging perfect akong partner. Alam kong may mga pagkukulang din ako. Pero sana kinausap niya ako. Sana naging honest siya sa akin. Sana binigyan niya ako ng pagkakataong maintindihan kung ano yung mga problema niya sa relasyon namin.

At kung hindi na talaga siya masaya, sana matagal na niya akong pinakawalan kaysa hinayaan niya akong mag-invest ng sampung taon pa ng buhay ko sa relationship na akala ko pareho naming pinapahalagahan.

I deserved to know the truth. I deserved to have the choice kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon knowing everything he was doing behind my back. Pero pinagkaitan niya ako ng pagkakataong yun.

Hindi ko akalain na ganitong klaseng lalaki pala yung sinamahan, minahal, at pinagkatiwalaan ko nang 13 years. Yung taong ilang beses kong pinatawad at binigyan ng pagkakataong magbago, patuloy pa rin palang gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin.

Ang nakakapagtaka, pagkatapos kong malaman lahat ng ito, iba na yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon yung galit at disappointment sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kasabay nun, ang gaan din ng pakiramdam ko.

Hindi ko pinagsisisihan na pinilit kong malaman ang katotohanan. Masakit, pero ito pala talaga yung kailangan ko para matigil na yung pagsisi ko sa sarili ko.

Hindi na ako umaasang magkakabalikan kami. Hindi na rin ako naghihintay na magbago siya o bumawi sa akin. Wala na akong gustong ipaglaban sa relationship na iyon.

Nagpapasalamat pa rin ako na nalaman ko ang katotohanan bago pa kami ikasal at bumuo ng pamilya.

Hindi ko na mababawi yung 13 years, pero ayoko nang magsayang pa ng kahit isang taon ng buhay ko para sa kanya.

Alam kong hindi magiging madali ang healing process ko. Ang unfair lang na ako ngayon yung kailangang mag-seek ng professional help at mag-heal mula sa epekto ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.

Pero gusto kong mag-heal nang maayos. Ayokong dalhin yung trauma na iniwan ng relationship na ito sa susunod na chapter ng buhay ko. Ayokong hayaan na yung mga ginawa niya ang magdikta kung paano ako mabubuhay at magtitiwala ulit.

Marami pa akong pangarap para sa sarili ko. Marami pa akong gustong gawin, matutunan, at puntahan. This time, hindi ko na kailangang isantabi yung mga gusto ko sa buhay para sa ibang tao.

Hindi man ito yung ending na pinangarap ko para sa 13-year relationship namin, nagpapasalamat ako na may pagkakataon pa akong magsimula ulit.

Totoo pala talaga yung the truth will set you free.

Finally, malaya na ako.


r/OffMyChestPH • • 8h ago

I miss my friends

2 Upvotes

Wala lang. I just want to vent about how I'm feeling. Apart from having a boring routine everyday and not having a stable job for now kasi mahirap ang job market and still trying to learn stuff online for better chances sa pag-apply soon, I feel alone.

I used to be an introvert naman like kahit mag-isa and not with my circle most if not all the time eh goods pa rin ako pero after college, while sila busy din maghanap ng trabaho o sa pag asikaso ng mga ganap nila sa buhay, ako naman parang longing sa presence nila.

Siguro nasanay din ako kasi araw-araw kami nagkikita ng circle ko, doing academic tasks then hang out after tas parang biglaan din after grad wala na rin ganap with anyone.

Medyo mahirap din kasi magmeet since all of us are living far from each other kaya after mag move out from our dorms ayon wala na talagang chance masyado na magkita kita pa often.

Dagdag na rin na inactive na yung group chat namin and madalang na rin magkamustahan kahit sa private message. I feel alone haha siguro I need a distraction or a hobby to stop feeling this way?

Ang hirap talaga kapag madali kang ma-attach sa mga tao. There are times na hinahanap mo talaga presence nila, alam mong kahit quality time lang with them eh satisfied tas kumpleto na rin ang araw mo.

'Di ko alam if ako lang ba nakakaramdam sa amin as friends pero some of them tried to reach out sa gc to catch up naman sana kaso yun lang malayo tas need din pera which is nakakahiya naman manghingi sa parents haha.

Anyway, yun lang. I thought of posting here just to vent out and feel na may nakikinig din kahit strangers lang. I'm the most nonchalant sa group btw kaya di ko rin ma express basta basta nararamdaman ko.