r/PanganaySupportGroup • • Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
32 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup • • Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

88 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup • • 2h ago

Support needed Paalam sa 13th month pay ko

8 Upvotes

Nakuha ko na 13th month pay ko kahapon.
Ang saya saya ko. Iniisip ko na makakapag-ipon ulit ako.
Wala ako naipon sa nakaraang dalawang taon kasi bumukod ako, pinaayos bahay nila, at nagkasakit nang malubha yung isa kong pusa.

Pero ako pala magbabayad nung kalahati ng ginastos ng bunsong kapatid ko sa water pump.
PHP 25,000 agad utang ko. Ni hindi man lang ako kinunsulta.
Sabi ko sa susunod, di ako makikihati kung di ako kinunsulta at pumayag.

This month bumili din kami phone para sa tatay ko na nag-enroll bilang Grab driver.
Binilhan din namin siya dash cam last month.
Naawa din naman ako, kailangan niya magtrabaho kahit senior na siya.
Pero sunod-sunod ang gastos, nalulunod ako.

Kahit anong pagsisikap ko, nawawala agad pera sa palad ko.
Sa totoo lang, iniisip kong tanggalin na monthly support sa kanila dahil sa sama ng loob ko.
12K din yun.

Naaalala ko yung kabataan ko - binabasag nila alkansya ko pag may emergency.
Niloloko pa ako at sasabihin ilalagay sa banko.
Syempre, di ko na nakita yung perang yun.
Sabay sisi pa sa akin ng nanay ko na may nagkakasakit dahil sa pag-aalkansya.

Sana di na lang ako nabuhay.
Sawa na ako maging kalabaw.

Early this month nagpaconsult ako sa psychiatrist.
Venlafaxin Hydrochloride at Quetiapine Fumarate binigay sa'kin.
Binili ko na supplies ko pero di ko na sinimulan.
Naisip ko baka di ko maituloy-tuloy dahil sa gastos.


r/PanganaySupportGroup • • 8h ago

Support needed The Weight of Being the Firstborn / Breadwinner

5 Upvotes

I’m crying right now. My brother sent me a message asking for help, and honestly, I’m not in a good place financially and emotionally either. Gusto kong tumanggi. I want to say no, pero ang bigat ng guilt na nararamdaman ko just for saying no. I’m also disappointed in myself for not being able to help.

It’s so hard being the firstborn and having the responsibility of being the provider for the family.

Before, I was genuinely happy to help them. Pero habang tumatanda ako, napapagod na rin ako sa kakabigay. And sometimes, I feel guilty for even thinking na ayoko nang tumulong.

I’m torn between the right thing to do and what I actually want to do. I know helping my family is important, and I know it’s the right thing to do. Pero sa totoo lang, I don’t feel like helping right now. Not because I don’t care, but because I’m tired, too. And somehow, I feel like a bad person for feeling this way. Ang hirap, ang bigat 😭


r/PanganaySupportGroup • • 20m ago

Venting Wala nang sinabing maganda si mama

1 Upvotes

Kagigising ko lang at panggabi ako. May dala sila mama na barbecue kaya nakiupo ako dun sa kusina para makikain. At sa less than 30 minutes na nandun ako nakikipagkwentuhan, eto na agad mga nasabi ni mama sakin:

  1. Parang numinipis na daw yung hairline ko.
  2. Lumapad daw yung mukha ko sa bangs ko.
  3. Tumaba na naman daw ba ako.

Pabiro ko na lang sinabi sa kanya na eto naman wala nang magandang nasabi. Sabay pasok na lang ulit sa kwarto.

2 weeks ago bumili ako ng barrel pants. 1 year ko nang gustong bilihin yun, very confident akong suot suot yun. Nung umuwi ako sabi nya ang laki ng pants mo. Ngayon nagddoubt ako if okay lang ba tingnan tuloy sakin yung pants.

Masyado ba kong sensitive pero lately narerealize ko na never ako nakarinig ng compliment galing sa nanay ko. Lumaki akong iniisip na ang taba taba ko kasi kada uuwi ako galing manila papuntang province sinasabihan akong ang taba taba ko na pero looking back sa mga pictures ko ng college, di naman mataba yung batang yun. Di lang talaga akong payat na payat.

Sobrang baba ng confidence ko.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Support needed Bread winner

Thumbnail
gallery
123 Upvotes

Pa labas lang ng sama ng loob, sobrang nakakasama ng loob. Natanggal ako sa trabaho nung nakaraang linggo dahil underperforming daw ako. May absences kase ako at di nakapasok nung nakaraan gawa ng di kinakaya ng mental health ko at nagkakasakit. Sa'kin nakaasa pamilya ko.

Ngayon paano ko sasabihin sa mama ko na gan'to sitwasyon ko, kung sakin din sila umaasa? ang mama ko nag kasakit at ang papa ko matagal na kaming iniwan minsan nag bibigay pero ngayon halos wala na. May mga chats sila sa akin pero di ako makapag reply dahil di ko na alam.

Gusto ko pa makasama ng mahaba mama ko, nakita ko kung paano niya kami tinaguyod ang dami kong gustong patunayan pero paano ako haharap ng ganito? ni magkano wala ako mabibigay at matulong dahil nawalan din ako ng trabaho at said na said na rin. Nakituloy ako saglit sa katrabaho ko, dahil bume bwelo sana ako para sabihing natanggal ako. Tumutulong na lang ako sa kanila para makikain pero honestly ang bigat na rin sa pakiramdam.

I'm thinking about ending things na lang pero I know that will make things worst lang. Life is so unfair, magpapasko kaming ganto na naman 😔 Ang sakit lang na lumalaban naman ako ng patas pero parang ang damot damot sakin ng mundo. Ipagdasal niyo naman kami 😭 Di ko alam ano pwede kong gawin para may mapakain sa pamilya ko at tulungan mama ko, ang hopeless nito. 😔


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Advice needed Counselling and Therapy

0 Upvotes

Hi everyone! I'm looking for a psychotherapist you'd recommend, preferably a Christian one, if you've seen someone yourself. I've been carrying this constant, pent-up exhaustion for a long time, and I think I'm starting to spiral into depression.

33/M, breadwinner for 10 years now. Pagod na ang strong soldier.


r/PanganaySupportGroup • • 14h ago

Support needed Pagod.

3 Upvotes

I got laid off from work. During this season. I'm tired. I don't know how to start again. I don't even know how to break the news to my mom. I haven't told anyone yet. Not my family. Not my friends. I've been sending out applications again.


r/PanganaySupportGroup • • 22h ago

Venting Ma, I'm sorry kung hindi ako pumunta sa kaarawan mo.

5 Upvotes

Sorry. Sorry kasi napapagod na ako. Napapagod na ako maramdaman na hindi sapat ang tinutulong ko kahit alam ko sa sarili ko na halos maubos ako. Sa tuwing nakikita niyo na may gagastusin ako na hindi tungkol sa bahay, hindi kayo nabigo na iparamdam sakin na makasarili ako. Hindi kayo pumalya na iparamdam sakin na hindi ko naiisip na gusto niyo rin maranasan yung mga napupuntahan o nakakainan ko minsan.

Lagi ako napapaisip, kung kaya ko naman gumastos ng pang limang tao sa isang travel or restaurant trip, gagawin ko naman diba? Pero pasensya na kasi hindi eh. Yung mga pangangailangan lang ng bahay yung kaya ko punan sa ngayon. Pasensya na kung nakikita niyo na laging boyfriend ko ang kasama ko sa ganyang trip. Nakakahati ko kasi siya o minsan salitan kami sa gastos. Iba kasi yung gastos na pang dalawa kaysa sa gastos pang lima.

Gusto ko lang naman mabuhay din habang tinutulungan kayo. Sana naghintay kayo. Sana naghintay kayo na makaluwag luwag ako.

Sorry napapagod na ako intindihin. Kung ano ano na sinasabi nila lola at ninang about sakin. Ang daming tanong kung bakit di ko na lang ipang tulong yung ginagastos ko sa pag renta ko or anuman. Ni-minsan di ko narinig na dinepensahan mo ako. Alam kong never mo magagawang depensahan ako kasi alam kong yun din ang paniniwala mo. Pati mga kapatid ko, iisa kayo ng tingin sa akin. Makasarili.

Pasensya na rin kung lagi akong nasa boyfriend ko at halos mag live in na kami. Mas kalmado kasi utak ko pag kasama ko siya. Mas payapa ako. Mas tahimik ang utak ko.

Nagpapa therapy na pala ako ngayon, Ma. Hindi ko na kasi talaga kaya. Nag seself destruct ako pag nattrigger niyo ako. Puno ng self sabotage at negatibong bagay ang nangyayari sakin.

Kaya pasensya na rin kung unti unti na akong bumibitaw sa atin. Unti unti ko nang tinatanggap na hindi mo ako mamahalin tulad sa mga kapatid ko kung wala akong benepisyo sayo. Ako yung pinilit mong hinulma para maging diploma mo. Para maging tama naman yung pagkakamali mo 24 years ago.

Mamimiss ko ang luto mo, ang tawa mo sa mga joke ko, ang chismisan natin, at sa araw na niyakap mo ako nung first communion ko.

Maligayang kaarawan, Ma. Pasensya na kung hindi ko na kaya na pang hawakan pa ang relasyon natin dalawa.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting 18 months abroad: Hindi pa ako nagtatrabaho pero ubos na ubos na ako

3 Upvotes

Hi! May ishshare lang ako na dinadala ko for 18 months.
So in 2025, I decided to move from home papuntang abroad under a tourist visa, dahil yun lang yung opportunity na nakita namin before na madali akong makapasok, in the hopes na makahanap ng potential employer. Sa ngayon, naninirahan ako sa bahay ng tita ko. Tinulungan niya ako na makapunta rito katuwang niya yung asawa niya. Noong una, okay naman yung relationship, smooth sailing naman, kahit papaano na-e-expose ako sa ibang kultura gaya ng mga local events sa town, tumutulong ako, minsan nagvo-volunteer kasi yun lang naman ang magagawa ko sa situation ko para na rin makapag-network sa mga potential employers.

Two weeks na noong andito ako doon na nagsimula yung friction sa bahay, which is understandable naman na walang perfect household. Pero dumaan ang mga araw at linggo, may mga napapansin ako sa tiyahin ko na madalas nagiging volatile siya sa mga bagay-bagay. Napapagalitan niya ako, nung una iniisip ko normal lang na pagalitan kasi may mga shortcomings din naman ako. Pero dumaan ang mga buwan, unti-unti siyang nagvevent out ng kung ano tungkol sa family namin. Na kesyo binubully daw siya ng angkan namin, like everyone is against her. Nasisi pa nga ako noon time na may isang property na binenta yung tito ko na kapatid niya, three years after saka lang daw niya nalaman, pininpoint niya pa nga na 18 y/o na ako that time, may isip na ako pero bakit hindi ko raw sinabi sakanya. To give my insight wala talaga akong ideya sa mga nangyayare noon, kasi hindi naman open yung family namin kahit yung parents ko na sabihin sa'kin. Ang pinoproblema ko lang noon ay ang pag-aaral ko. Graduating na ako sa high school before, tsaka candidate ako for honor student, kaya mas babad ako sa pag-aaral ko. Tsaka tutok din ako sa admission ko sa college, kaya kailangan ko talagang mag-aral nang mabuti kasi balak kong mag-aral ng pre-med course. SInubukan kong sabihin yung side ko at nagsorry ako sakanya, ngunit ang sabi niya sadyang wala lang daw akong pakialam, na selfish daw ako.

Seven months ago nagkaroon ng home renovation which is technically property niya sa Pinas, ang nakatira doon ay yung tito ko na kapatid niya, lolo at lola ko. Dati rin kaming nakatira sa property na yun ngunit nagdecide na kaming bumukod, gayon pa man, hindi rin naman huminto yung family support na inaabot ng parents ko kina lolo at lola. Pangit din naman sabihin pero unemployed kasi yung tiyuhin ko mga side hustle lamang ang mayroon siya. Isa rin sa ikinasama ng loob ng tiyahin ko is nung kumita ng malaki yung tiyuhin ko, bakit niya daw inuna yung pagbili ng appliances at furniture sa bahay. Sa halip na gamitin nalang daw na gastusin yung kinita niya at maghinto siya pansamantala sa pagpapadala. For the record, tatay ko ang nag-shoulder ng food, city services, at bills naming lahat sa bahay before, kasama na rin yung matrikula naming magkapatid. Ang tanging pinapadala lamang niya noon ay pambayad ng landline at balikbayan box every year. Ang layunin naman ng tiyuhin ko noon was the furniture and appliances were more than 10 years or more yung iba nga tinetape nalang namin or rugby. Tsaka for the record kahit ganoon yung tiyuhin ko inabutan niya parin kaming lahat ng tig 10k kasi gusto niya daw makabawi for being a bum. Which is nakatulong talaga yung inabot niya for me, kasi ginamit ko yung 10k na pandagdag sa enrollment ko. Nagalit din yung tiyahin ko roon bakit daw hindi siya inabutan after everything she did.

To continue the story about the renovation, nagtanong naman si tito kung anong kulay ng bahay ang preference ng tiyahin ko, so sabi niya green. So they bought green paint now, pinakita ni tito yung picture sakanya kung okay ba yung pay off dun sa bahay which is hindi niya nagustuhan. Ang paliwanag naman ng tito ko is first coating palang, pero kinuwestyon ng tiyahin ko kung bakit hindi siya sinendan ng swatches ng green kung meron pang ibang available. Which is understood naman dapat nag pakita muna ng swatches si tito since pera naman ni tita yung gagastusin para sa property. So she again became volatile she turned to me and said bakit hindi daw pinakialaman ni mama yung color sa bahay. And given naman na bumukod na kami she was knowledgeable, but during the transaction lang with the engineer, the rest are handled by tito since siya yung nakatira sa property. So nagkaroon ng malaking gulo between them. Dito na ako maipapasok sa picture. Pinagsabihan niya ako na from now on, ako na raw ang makikipag-usap sa kanila; sa lahat ng sasabihin niya, sasabihin ko sa kanila—kumpara sa Messenger. Dapat ako raw ang makipag dahil parte raw ako ng pamilya. Ultimo yung mga pinapadala niya, (na simula nung bumukod kami, medyo lumaki yung inaabot niya sa kanila, pero hinahatian siya ni papa para sa family support) ako yung pinapatawag niya sa Pinas para lang irelay yung number at amount. Ang rason niya kasi nagtatampo siya sakanilang lahat.

Dumaan ang maraming linggo. Lagi akong sumasalo ng mga hinaing niya. Kadalasan, nadadamay rin ako. Sa dinami rami ng masasakit na salita na sinasabi niya feeling ko nauubos na ako. Tiyaka alam ko naman ang halaga ng pagwowork, ayaw kong maging isang palamunin ng matagal. So isang araw tumawag ako sa mama ko, kasi sila nalang ang nakikita kong support system. Ngayon, kinausap ni Mama yung tiyahin ko na nahihirapan na yung kalooban ko, pero hindi naman niya direktang sinabi na siya. Ang pinoint out ni Mama is yung career ko na nakasabit lang, na kung maalat talaga yung opportunity, umuwi na lang ako para hindi ako sagabal, which is sinang-ayunan ko rin naman na I should earn on my own merit, na kung sakaling palarin ako sa future, complete na yung credentials ko para makabalik ulit ako abroad under a better pathway. Kasi bago ako umalis ng Pinas isa akong Licensed Medical Technologist na nagwo-work sa isang clinic. But my aunt took it differently, na sinabi niya na hindi ako maaring umuwi kung need ko raw ipakasal, para lang magkaroon ako ng papeles so be it. Ang sabi lang ni Mama, "Gusto ba niya?" Lalong sumabog yung tiyahin ko at tinawag ako sa taas para kausapin ko si Mama na sabihin ko sa harap niya na ipapakasal lang ako para sa papeles, hindi para may mangyari o magkaanak, ganoon. Hindi ako halos makapag salita, kasi nanginginig na ako sa takot sa kanya nun. Na sa dinami ng sinabi niya na medyo yumurak sa'kin nablanko yung utak ko, hindi ko namalayan na may hawak na 'kong steak knife, muli tinawanan ako ng tiyahin ko at sinabing "I wish I had this phone on video to record what you're doing" nabitawan ko yung steak knife kasi kahit ako nagulat ako na hawak ko na. Sinabi niya rin na kasalanan ko raw kung bakit sila nag-away magkapatid (referring to my mom and her) na kung hindi raw ako nag-vent out ng kung ano ang nangyayari sa akin dito. She made me say things that were out of my moral compass; she had her ways to gaslight me. Nasabi rin pala ni mama sakanya na wala siyang karapatan kuwestyonin kung ano ang damdamin ko at niya dahil wala siyang anak. (Na hanggang ngayon triggered parin si tita) Until it reached her husband's radar, she even told me with all her might na kakausapin daw ako ng asawa niya (well, her husband is of another nationality; itago na lang natin sa name na Uncle Joe), so ako naman kinabahan na naman nang sobra kasi never nagalit sa 'kin si Uncle Joe; super supportive siyang tao. So I braced myself. Until that one afternoon kinausap niya ako, hindi niya ako pinagalitan sa halip sinabi niya na "I understand that opportunities right now are scarce, and homesickness is a whole different story, I also know my wife she's kinda cookoo most of the time; she says a lot of words that can cut through and there's I can do right now; the wound is already there. I don't want you to think of my house as a prison; I want you to treat this as home. I will never get mad at you for being sad and upset; it's okay to cry. I think I should talk to my wife instead of you." after that afternoon hindi ko na alam kung ano na nangyare.

A few months later, I received a letter na need ko nang umalis before November 21st. So ako naman sinabi ko sa tiyahin ko yung balita. She eventually panicked, while ako naman, I'm happy to oblige kasi gusto ko nalang umuwi at magwork sa Pinas ulit at para makaalis na ako sa toxicity. But during those days ang bait-bait niya ulit sa'kin na halos lutuan niya na ako ng food every day. Hanggang sa pinush niya parin yung idea niya na ipakasal ako, dahil sa ayaw ko na ng argument I just got along with it kako Lord ikaw na bahala. Eh kaso it end up na napahiya lang siya sa kaibigan niya na sinabing "if anything happens to my son, will be liable?". Then the second guy na kinausap niya also rejected saying na "The kid is almost my grandkid; why would I do that?", guess who? (Kapatid ni Uncle Joe na halos 40 years ang gap sa'kin.) Na para bang nagbibigay yung kalangitan ng sagot, at hindi ako pinapahintulot yung ideas niya. So we ended up renewing my tourist visa.

At hindi pa nagtatapos ang kalbaryo ko, at unti unti nanamang bumabalik yung ugali niya. Maraming scenario siyang sinasabi sa'kin na kesyo:

  1. Napatunayan mo na matalino ka; nag-graduate ka na may Latin honors at topnotcher sa boards. Ngayon oras mo na para gawin ang mga bagay na katulad ng pagde-decorate sa pasko (idk why she said that)
  2. Walang kwenta yang course mo, especially in this economy; it will never work if you want to obtain a simple work permit and an employer.
  3. Magpakasal ka, kung mabuntis ka kami mag aalaga ng anak mo atleast secured na citizenship mo. At wag na wag mong sasabihin sa nanay mo.
  4. Lahat kayo matatalino may mga padegree degree at lisensya pa kayong nalalaman, but you're just a nobody.
  5. Inispoil ka kasi ng nanay mo na puro aral lang kaya you don't know fck all when it comes to basic human life.
  6. Hindi porket topnotcher ka kukuhanin ka agad hindi lang ikaw ang magaling na medtech sa mundo.
  7. Masyadong mahal yang bridging program para diyan sa profession mo, magtrabaho ka nalang o kaya magpakasal ka nalang.

at maraming pang iba.

Until recently si tito nagsend ng update tungkol sa home renovation na tapos na at kasama na rin yung bill para sa renovation. Nagalit ulit siya at nagsalita ng kung ano, na kesyo makapal daw ang mukha ni tito para isend yung update at resibo sakanya. Well infact pinapakita lang as transparency for her since it's her property and pera naman niya yung ginamit. Although ang catch is kulang yung pinadala sinabi naman yung disclaimer na kakausapin ni tito at kasama si mama yung engineer kung bakit naiba yung agreement. At kung hindi man siya magpadala or dagdagan ayos lang, sumabog siya ulit. Naungkat nanaman lahat ng past issues na kesyo binubully daw siya, na ako daw walang pakialam, na sinasabihan daw siya na kaya iba yung ugali niya kasi nasalinan siya ng ibang dugo before. At binato sa'kin na "Ikaw medical ka dapat alam mo na kung type B, type B kahit saan pa nanggaling yan." na at first ako naman ang nagsabi sakanya na hindi nakakaapekto ang blood transfusion sa mentality at ugali ng isang tao dahil nga nagtanong siya sa'kin before. "Lahat na lang kayong tingin sa akin, palabigasan. Ikaw, humanda ka dahil ikaw ang mag-aalaga sa akin, o mamili ka: uuwi ka, anim ang aalagaan mo, o dito, isa lang. Kahit magkamali ka dito, walang nakakakilala sa'yo doon sa Pinas. Tatlong pamilya ang buhat mo kapag nagkamali ka. 26 ka lang, magkakamali ka, di palaging tama!" Gusto niya na sabihin ko kina mama, tito, lolo at lola yung mga sinabi niya patungkol sakanila na hindi daw siya nirerespeto na hindi daw siya pinanganak para maging hingian at kung ano pa.

Ang sakin naman, parang wala ako sa lugar para sabihin yun hindi ba dapat siya dahil sila naman ang nagkagulo? Obligado nga ba talaga ako dahil sa utang na loob?

Stuck din ako sa pag-iisip na I'd rather just go back sa Pinas and work as a MedTech at unti-unti i-earn yung credits ko at makapag-ipon? o ituloy ko pa yung laban na andito ako kahit parang laging pakiramdam ko naglalakad ako sa nagbabagang apoy? Kasi sa totoo lang hindi pa ako nakakapagsimula na magtrabaho dito pakiramdam ko pagod na ako, minsan nga hindi ko na nakikilala sarili yung ko, parang palagi na akong takot. Maraming beses na rin akong nagtanong kay Lord, kung para dito pa ba ako? or Anong plan niya for me? Aaminin ko minsan I'm losing my faith at times kasi bakit ganun.

As much as I want to analyze kung saan siya nanggagaling, initindi ko bawat punto, bawat kwento, pinagdugtong ko pati explanation ni Uncle Joe kung bakit siya nagkaganoon. Naiintindihan ko na mahirap yung dinaanan niya abroad, gusto kong unawain pa pero parang hindi na keri.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting My frustration with my father...

0 Upvotes

Hi I'm m19 currently studying in Junior High school and yes late ako I grew up in somewhere rizal I grew up with my aunts (my mother side) and nung 9 ako dun na ako tumira sakanila since my dad left us when I was 7 to be with his Original family and oo anak ako sa labas bago umalis si papa noon sobrang lambing nya saakin And feel ko talaga na Mahal na mahal nya ako nung nag 12 ako nahanap ako ng mga ate ko sa fb Mga anak ni papa sa tunay nyang asawa tanggap naman nila ako pero nung nagkita kami ulit ni papa after 5 years lahat nag bago hindi na sya yung malambing parang sobrang distant na nya saakin kasi ako sobrang saya ko nung makita sya pero sya wala matagal nayun pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit nung nandun ako sa bahay nila which is somewhere cavite yung ate ko and tita ko nagkaron ng pag aaway through text ako bata pako nun diko alam sinong kakampihan ko then I choose to take side nung panahon nayun I was brain washed by my tita na awayin din yung ate ko through chat kasi diko pa naman alam yung nga nangyayare nung time nayun and nagalit saakin ang mga ate ko na mga anak ni papa fast forward 2021 I was 14 pandemic nun and namatay yung tita ko na nasa abroad na nagpapa aral saakin (side din ni mama) so tag hirap walang income and di naren maganda relationship ko sa tita ko na nang away sa ate ko and Pandemic nun I travelled from rizal to cavite js by myself para pumunta kila papa kasi nga nag hihirap naren talaga kami plus di narin maganda ang samahan namin sa rizal And Oo kahit alam kong galit parin sakin mga ate ko pumunta parin ako balak ko sana mang hingi ng sorry nun I was 14 and dipa madyadong matured and yung ate ko nayun she treated me like nothing had happened nung nandun ako and parang hindi sya galit Pero I was truly sorry And confused Diko alam gagawin so meron kaming Unspoken na hindi pagkaka unawaan however few weeks goes by na nandun ako yung asawa ng tatay ko nagagalit palagi kasi naalala nya mga panloloko sakanya ni papa with my mon nung nabubuhay pa kaya Pina alis ako I was 14 walang mapupuntahan kasi nga di narin ako makaka balik sa tita ko So I went to baranggay para magka ayos kami ni papa and yung pag babaranggay ko nayan Hanggang ngayon laging brini bring up kahit matagal na ako nag sorry at nagpaliwanag sakanya na hindi ko naman intensyon na ipahiya sya or what gusto kolang talaga maayos with the help of baranggay Kasi nga I was. 14 and lahat sila pinag tutulungan ako fast forward Im 17 bumalik ako kila papa nag stay ako dun for a few months nung una okay kami kasi nga balak ko sana mag aral dun since hindi rin maganda ang lagay sa puder ng side ng mama ko I was abused And nung una tanggap na ako ng asawa ni papa and ng mga ate ko Okay na pero kasi ang hirap sakanila pagka may galit sila sakin or what hindi nila sinasabe saakin Like total silent treatment Hanggang sa nagkanda leche leche nanaman Gusto kolang naman makapag aral pero they keep pushing me pero si papa halos walang pakialam ginagawa ko naman lahat ng kaya ko pero mas pinili nya na paalisin ako and pinag trabaho nalang ako ng carwash na stay in Sirang sira buhay ko nung time nayun that was 2025 february-april may time rin na naholdap ako at nabugbog I asked my dad for help Sugatan ako non and he just brushed me away pag kasama ko sila I feel like Im invisible like parang wala ako dun Oo angat ang buhay nila kasi mga negosyante pero si papa ni kahit kelan hindi nya ako ni trattato na anak there is one time pa na sinabe nya saakin nanliliit daw sya pag tinatawag ko syang papa Oo masakit May tatay ka pero ganyan sobrang nakaka frustrate hindi ko naman hinihiling na bigyan nya ako ng pera or what ang gusto kolang maramdaman na may tatay pa ako pero wala kahit umiyak na ako they keep bringing up the " pampapa baranggay" ko daw Ano ba dapat kong gawin Now Im living alone umaasa nalang sa padala ng uncle ko na nagpapaaral saakin Hindi naman ako tamad masyado lang talagang na deprived I asked my ate if she could lend me some money kasi na short ako ng allowance ko Dec 11 pa allowance ko e and I only have less than 2k pesos in my wallet And diko alam gagawin ko due pa ng bed space na ni r rent ko Diko alam anong dapat kong gawin I feel like namamalimos lang ako sakanila Oo may pagkakamali din ako pero hindi naman siguro habang buhay dapat ganon sobrang frustrated ko with my dad hanggang ngayon he doesn't care kahit anong mangyari sakin dyan I don't expect anything from him or manghingi sakanila kasi Like babayaran ko naman kasi if ever pahiramin nila ako e pero wala parin nothing is working ang hirap I even thought about ending my own life pero alam kong hindi maganda ang ganoong solusyon lalo't pangarap kong mag nurse Diko ba alam pano natitiis ng mga ganong tatay ang anak oo sa labas lang at may mga past mistakes din ako pero handa naman akong ayusin lahat they just won't give me a chance But I promised with myself na if ever ako magka anak Hindi ko gagawin ang ganon

Can Y'all give me some advice kasi diko na talaga alam gagawin ko with my dad


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Please bigyan nyo ko ng realistic advice How to overcome this?

2 Upvotes

Ganito kasi yan may kabuuang utang akong 85k dahil nagkaroon ng medical emergency sa bahay as panganay at only provider sa bahay, umutang ako last july and nahuhulugan ko naman. Pero para na kong isang kahit isang tuka nagwowork ako bilang isang factory worker.

plus eto pa itinuloy ko yung degree ko and ngayon mag-oojt na ko pero wala akong savings and need ko mag-resign pagnagstart na ko mag ojt ang iniisip ko naman paano ko babayaran utang ko and mag provide?


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Discussion Something you wanna prove to someone?? Mine is... Drop yours👇

Post image
6 Upvotes

I want to prove my family, that i have the potential to do it all...


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed OA lang ba ako on planning to cut-off my mom?

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Kapagod na (sorry na if mahaba gusto ko lang talaga ilabas to)

Post image
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting Trauma

0 Upvotes

Feeling ko may trauma ako sa nanay ko e🥺.

Nagtataka kasi ako bakit ako lang yung ginanon.

Simula noon pa lang ,elementary Days nitong naghiwalay sila ni papa ako pinagiinitan kasi ako Panganay sa aming 3.

Tapos chinichismis ako kahit kanino sinisiraan ako,paano ko nalaman kasi narinig ko.

After grad ng college, 2 months wala pa akong trabaho grabe naririnig ko araw araw .Tapos malalaman mo pinagkakalat na sa kapitbahay na ako ganito ganyan kaya di makahanap ng trabaho kasi ganito.

Fast forward ,nitong may work na ako everytime na bayaran ng bills mainit na ulo sa akin pagiinitan na ako ,kahit na alam ko naman ako yung inoobliga nya magbayad lahat nun Wala din naman ako palag doon.Pero yung ipagsisigawan pa talaga na " madamot ka ,swapang kang babae ka hindi ka aasenso."sama ng loob ko monthly.

Imagine everyday sa isang meal sa bahay magkano nagagastos ko 300-500 sa isang ulam lang yun tapos sa isang araw ilang ulam ang naluluto ako lang magisa.

Hindi ko naman binibilang pero binubudget o pinagkakasya ko lang pera ko araw2.Pero nasasabihan pa rin ako ng madamot kahit araw2 ako gumagastos.Kapag may pumuntang kamaganak sa bahay si mama magpepresyo kung magkano ibibigay ko di man lang nagtanong kung may budget pa o wala na.Kapag di ko nasunod ang amount na gusto nyang ibigay ko magagalit sya sa akin.Ilang beses na nangyari yun dahil nitong hindi ko nasunod grabe iyak ko.

Hindi ako maluho, hindi ako mahilig sa material .Hanggat hindi nasisira sapatos o bag na ginagamit ko hindi ako bibili.Ganon ako kadamot sa sarili ko.Sobrang mapagbigay ko.Every christmas namimigay ako ng regalo galing sa puso ko Yun.Pero nakita ni mama kung magkano lang ang presyo galit na naman sya , bakit ganon daw regalo ko ang mura mura.

Iniyakan ko yun ng lihim sobrang sakit ng puso ko nun,kasi bukal kong pinamigay sa mga bata yun tapos mamaliitin lang ni mama🥺

Simula noon lahat ng kakilala ni mama o kilala sya kahit kapitbahay ,kamaganak .Hindi ako nakikipagusap kasi feeling ko nachismis nya na ako,feeling ko siniraan nya na ako.Nahihiya ako baka najudge na nila ako..

Simula noon tahimik na ako ,hindi ko na alam paano ako magkikipagusap kahit sa kamaganak ko


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Advice needed Sangla laptop

1 Upvotes

This will be my first time doing this. Baon ako sa utang. I just moved out from a toxic household. Ever since wala ako masyadong savings dahil grabe pigang piga nila ako.

Gusto ko sana isangla macbook ko. Paano ba processes ng ganon? I’m a bit scared to ask/dalhin agad in person because I don’t wanna be disappointed na hindi pala pwede ang technology for sangla.

But to the panganay’s out here, may alam po ba kayo na pwede pagsanglaan ng macbook? Saan po at paano ang proseso? Please help. Will use the amount I get from sangla for loan consolidation.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed hello pls give me some adviceeee 🙏🏻🙏🏻 should I take a risk or

1 Upvotes

Hello, need lang po ng advice. I am a college student, and nasa private school in med field po ako and right now the struggle is struggling haha. Gusto ko lang po matanong sa mga tumigil rin po nang pag aaral due some circumstances like me financially, what was your life after po kayo tumigil? Sana po wag nyo po akong i-judge why did I even go to this kung alam ko namang hindi kaya, there are back stories behind it po, believe I wouldn't put my mom in this situation if i know this would happen. And hindi rin po ako makapag hanap ng work kasi po 6 days a week po ang schedule ng school ko other than me not having an experience pero trying pa rin po ako to get a side hustle online. yun lang po, thank you po


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed Supporting Senior Single Parent

5 Upvotes

Up to how much do you support your single, senior (~70yo) single parent?

Baka maging vent ang labas. But trying to get a fresh perspective on this.

Context: panganay, no kids. Married. With 1 sibling who is also married but with kids. Both me and sibling are based abroad.

By how much, I mean, not monetary, but everything else. Like do you bring your parent with you everywhere or often?

Extra: siguro may part sakin na nakokonsensya. But at the same time, need to find a balance between having my own life kahit walang kids. I am still married. I have my wife. And my wife is the main person in my life now. I am in my mid-40s na din naman so not getting younger. So it came to a point where kelangan ko na lng tanggapin sa sarili ko na that is life eh and I have to live my own. So everyday, I just have to carry that feeling.

My parent is not an easy one to deal with din. So I guess that makes it a bit easier for me to do this. But being a Filipino, I guess most of us have that emotional baggage brought to us by our culture. So we always hear, isa lng magulang mo eh wag mo yan pabayaan. Of course financially, I have been supportive ever since I graduate.

Then there is my sibling who once said to me: ikaw na bahala kay ____ ha. May dalawang anak na ako eh.

BS.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Paano ba ito maippost

Post image
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Support needed hello po looking for a lender who’s willing to invest in me.

Thumbnail reddit.com
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Support needed HOPING GOOD THINGS WILL HAPPEN WITH MY MOTHER

9 Upvotes

sorry hindi ko alam saang community to dapat. :(

Hi guys, my mother was terminated from her job in HK kasi lilipat na daw sa smaller house yung mga amo niya. Ang alaga ni mother ko is their dog & works as a helper na din sa house. Ang reason ng pag terminate din is di na daw pwede ang pets sa lilipatan nila at di na need ng help from my mother. From what ive learned, in hk di na nagbabayad ng tax kapag pet owner ka kaya kumuha ng dog yung mga amo niya & the dog was somehow not properly taken care of by the owners. Kaya ang sakit kay mama ko na ipapa adopt lng nila yung asong inalagaan nya and kasama niya everyday (umiiyak siya ilang araw na kasi malapit talaga si mama sa mga aso) + wala ng gusto maghire sa mother ko because of her age daw (53 y/o) & they listed her as TERMINATED WITH GOOD REASON (which makes it even harder for her to apply).

Kailan lang ninakawan din siya ng kapwa pinay niya sa dorm nila ng mga alahas pinag invest-an niya talaga, to the point na siya pa nagmukhang masama dahil humingi siyang help sa pulis. her friends din left her because of that. Yung mga alahas na yun is for her retirement din sana kasi pangarap niyang makapagbukas ng bakery or karinderya sa province. Eto yung savings na din niya kaso nawala to :(

Three kaming magkakapatid, my ate has a work pero minimum ang bayad sknla sa ngayon since nagclose din ng work sa ibang clients nila sa ibang bansa. I have a work here in Manila pero di pa kaya ng salary ko iprovide ang daily needs (elec, food, allowance) nila mama if ever na mapauwi siya ng pinas. Ako ang nagpapa aral din sa kapatid ko and nagbibigay ng baon niya, Grade 9 na din siya. Ayaw din muna ni mama na umuwi siya kasi hindi pa nakaka tungtong ng college yung bunso. Nasabi ko din naman sknya na pwede naman siyang umuwi kung gsto niyang mag open na sya ng business niya pero wala pa daw siyang pang puhunan. Di rin kaya ng pera ko na mag open ng business sa salary na meron ako ngayon.

If you know any work in HK for domestic helpers na hindi nagbbase sa age po, please help us po. So desperate lng po na dito na ako nagtatanong. My mother is an OFW since her dalaga days and i can say na magaling na siya sa ganto. She started from being a "yaya" sa mga bata, not just one but 9 kids and eventually switched to dogs kasi mas easy daw silang alagaan. Nataon lng din talaga siguro na di nag align ang fate ngayon sa family namin, hoping good things will come soon. :(


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting working na pero andami pa din bawal?

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes