r/PanganaySupportGroup • • 9h ago

Support needed Paalam sa 13th month pay ko

20 Upvotes

Nakuha ko na 13th month pay ko kahapon.
Ang saya saya ko. Iniisip ko na makakapag-ipon ulit ako.
Wala ako naipon sa nakaraang dalawang taon kasi bumukod ako, pinaayos bahay nila, at nagkasakit nang malubha yung isa kong pusa.

Pero ako pala magbabayad nung kalahati ng ginastos ng bunsong kapatid ko sa water pump.
PHP 25,000 agad utang ko. Ni hindi man lang ako kinunsulta.
Sabi ko sa susunod, di ako makikihati kung di ako kinunsulta at pumayag.

This month bumili din kami phone para sa tatay ko na nag-enroll bilang Grab driver.
Binilhan din namin siya dash cam last month.
Naawa din naman ako, kailangan niya magtrabaho kahit senior na siya.
Pero sunod-sunod ang gastos, nalulunod ako.

Kahit anong pagsisikap ko, nawawala agad pera sa palad ko.
Sa totoo lang, iniisip kong tanggalin na monthly support sa kanila dahil sa sama ng loob ko.
12K din yun.

Naaalala ko yung kabataan ko - binabasag nila alkansya ko pag may emergency.
Niloloko pa ako at sasabihin ilalagay sa banko.
Syempre, di ko na nakita yung perang yun.
Sabay sisi pa sa akin ng nanay ko na may nagkakasakit dahil sa pag-aalkansya.

Sana di na lang ako nabuhay.
Sawa na ako maging kalabaw.

Early this month nagpaconsult ako sa psychiatrist.
Venlafaxin Hydrochloride at Quetiapine Fumarate binigay sa'kin.
Binili ko na supplies ko pero di ko na sinimulan.
Naisip ko baka di ko maituloy-tuloy dahil sa gastos.


r/PanganaySupportGroup • • 2h ago

Advice needed Forgiving your parents

7 Upvotes

Paano patawarin ang mga magulang na hindi nagsikap noong kabataan nila? Naiintindihan ko naman na mahirap buhay noon, pero excuse ba talaga ito? Kasi may nakikita naman ako na galing din sa hirap, mga ka edad din ng parents ko, yet, nag sumikap sila sa buhay at somehow eh nabawasan ang pressure sa mga anak na mag provide.

For context, nanay ko naging parang caregiver sa dalawa nyang kapatid na nagkasakit. Noong bata ako, nakikitira kami sa bahay ng tita ko na nasa abroad na sya naging bread winner ng pamilya nila.

Dahil nanay ko naging caregiver, libre kmi sa rent, na pagmamay ari ng tita ko na nasa abroad. 10 years nag work nanay ko. Pero nong naging caregiver siya, umasa na kami sa tita kong nasa abroad. Supported pa kami ng money. Tatay ko naman factory worker. Hindi nya kami kaya buhayin sa work niya, pero di ko naman sya minamaliit :( I salute him kasi until now nag wowork pa rin siya, he is in his 50s.

Noong bata ako, tatay ko bumibili ng damit ko sa ukay ukay. Sa kanya lang ako nakaka receive ng mga material na gamit. Nanay ko naman, nag aasikaso sa amin.

Hindi nakapag tapos parents ko. Sinabihan pa ako ambisyosa dati kasi gusto ko ng course na Psychology. I ended up finished my college naman na hindi ko talaga passion since libre dahil state u ako nag aral.

Ngayon working na ako for 4 years, ang bilis ng panahon. Na realize ko lang na ang bigat bigat iahon mga magulang ko. Walang retirement plan. Rereklamo pa nanay ko na na kulang pa raw binibigay ko :(

Masama loob ko. Kasi kahit present sila physically sa akin, eh para bang di nila ako kinilala bilang anak, at na neglect emotional needs ko. Ngayon, lumaki akong parang emotionally unstable.

Walang problem sakin mag bigay. Pero ewan ko ba, parang di buo sa puso ko since ako naman nag figure out sa sarili ko. Sasabihan pa akong kulang daw bigay ko tapos magiguilty pa ako.

Walang bagay na Hindi ako nag success na hindi ko pinaghirapan. Walang na guguide, mentor, or nag iinspire sa akin sa mga magulang ko. I feel so empty rin working on a job na di ko talaga gusto kasi okay sahod. Mag bebed space na rin ako so doble gastos. Expenses ko at bigay din sa family ko.

Sana mag sucess ako sa life. At sana matanggal na rin tampo sa puso ko :(


r/PanganaySupportGroup • • 16h ago

Support needed The Weight of Being the Firstborn / Breadwinner

5 Upvotes

I’m crying right now. My brother sent me a message asking for help, and honestly, I’m not in a good place financially and emotionally either. Gusto kong tumanggi. I want to say no, pero ang bigat ng guilt na nararamdaman ko just for saying no. I’m also disappointed in myself for not being able to help.

It’s so hard being the firstborn and having the responsibility of being the provider for the family.

Before, I was genuinely happy to help them. Pero habang tumatanda ako, napapagod na rin ako sa kakabigay. And sometimes, I feel guilty for even thinking na ayoko nang tumulong.

I’m torn between the right thing to do and what I actually want to do. I know helping my family is important, and I know it’s the right thing to do. Pero sa totoo lang, I don’t feel like helping right now. Not because I don’t care, but because I’m tired, too. And somehow, I feel like a bad person for feeling this way. Ang hirap, ang bigat 😭


r/PanganaySupportGroup • • 7h ago

Venting Wala nang sinabing maganda si mama

3 Upvotes

Kagigising ko lang at panggabi ako. May dala sila mama na barbecue kaya nakiupo ako dun sa kusina para makikain. At sa less than 30 minutes na nandun ako nakikipagkwentuhan, eto na agad mga nasabi ni mama sakin:

  1. Parang numinipis na daw yung hairline ko.
  2. Lumapad daw yung mukha ko sa bangs ko.
  3. Tumaba na naman daw ba ako.

Pabiro ko na lang sinabi sa kanya na eto naman wala nang magandang nasabi. Sabay pasok na lang ulit sa kwarto.

2 weeks ago bumili ako ng barrel pants. 1 year ko nang gustong bilihin yun, very confident akong suot suot yun. Nung umuwi ako sabi nya ang laki ng pants mo. Ngayon nagddoubt ako if okay lang ba tingnan tuloy sakin yung pants.

Masyado ba kong sensitive pero lately narerealize ko na never ako nakarinig ng compliment galing sa nanay ko. Lumaki akong iniisip na ang taba taba ko kasi kada uuwi ako galing manila papuntang province sinasabihan akong ang taba taba ko na pero looking back sa mga pictures ko ng college, di naman mataba yung batang yun. Di lang talaga akong payat na payat.

Sobrang baba ng confidence ko.


r/PanganaySupportGroup • • 22h ago

Support needed Pagod.

3 Upvotes

I got laid off from work. During this season. I'm tired. I don't know how to start again. I don't even know how to break the news to my mom. I haven't told anyone yet. Not my family. Not my friends. I've been sending out applications again.


r/PanganaySupportGroup • • 6h ago

Venting For the first time I had a thought: Gusto ko na bumukod sa pamilya ko

1 Upvotes

I'm 24f and I WFH. These past few weeks andami kong ginagawa sa work and chores and then sumabay pa ung upcoming period ko so I'm very angsty and angry. And when I'm angry I like to be silent so I won't say something that I don't mean. And I also ignore people who annoys me when I'm angry and my mother doesn't like that. She's very overbearing and petty. She recently told me that when I get like this it's like she's walking on eggshells all the time around me, I hope she realizes that I got that from her.

Minsan kasi napagsasabay ko ang chores sa bahay kasi walang iba ang kumikilos minsan. At kapag hindi ka kumilos papagalitan ka pa. Parang nadadagdagan pagod ko sa isang araw.

Listen, I like providing for my family especially since wala pa akong sariling pamilya na inaatupag or jowa. First time kong makaramdam na hindi nila ako iaapreciate dahil lang na lagi akong galit at di makausap, para bang ang sama sama kong tao. Na bawal ba mapagod? Bawal ba ipakita na pagod ako? Bawal bang sabihin napapagod na ako? Buti nga ayun pa lang ung pinapakita ko. Paano pa kung ipakita ko kung gaano ako kalungkot sa buhay ko. Nasungitan ko lang once biglang hindi na rin ako kakausapin. Sige hahaha, bigla ko nalang rin napaisip na paano kung di ako magbigay ng pera, ano kaya magiging reaction nila?

Yung mga bigay ko monthly sa bills at mga baon na binibigay ko sa mga kapatid ko. May isang araw na humirit nanay ko na sana mabigyan ko siya ng pera pang labas lang. Napatigil ako, hindi pa ba sapat ang binibigay ko? Recently kasi may salary increase ako so I'm still balancing how to budget my money.

Ewan ko ba. Minsan talaga sana hindi na ako ipanganak kung ganitong buhay ang ibibigay sakin


r/PanganaySupportGroup • • 12h ago

Advice needed Counselling and Therapy

0 Upvotes

Hi everyone! I'm looking for a psychotherapist you'd recommend, preferably a Christian one, if you've seen someone yourself. I've been carrying this constant, pent-up exhaustion for a long time, and I think I'm starting to spiral into depression.

33/M, breadwinner for 10 years now. Pagod na ang strong soldier.