r/PanganaySupportGroup • • 10h ago

Advice needed Counselling and Therapy

0 Upvotes

Hi everyone! I'm looking for a psychotherapist you'd recommend, preferably a Christian one, if you've seen someone yourself. I've been carrying this constant, pent-up exhaustion for a long time, and I think I'm starting to spiral into depression.

33/M, breadwinner for 10 years now. Pagod na ang strong soldier.


r/PanganaySupportGroup • • 7h ago

Support needed Paalam sa 13th month pay ko

19 Upvotes

Nakuha ko na 13th month pay ko kahapon.
Ang saya saya ko. Iniisip ko na makakapag-ipon ulit ako.
Wala ako naipon sa nakaraang dalawang taon kasi bumukod ako, pinaayos bahay nila, at nagkasakit nang malubha yung isa kong pusa.

Pero ako pala magbabayad nung kalahati ng ginastos ng bunsong kapatid ko sa water pump.
PHP 25,000 agad utang ko. Ni hindi man lang ako kinunsulta.
Sabi ko sa susunod, di ako makikihati kung di ako kinunsulta at pumayag.

This month bumili din kami phone para sa tatay ko na nag-enroll bilang Grab driver.
Binilhan din namin siya dash cam last month.
Naawa din naman ako, kailangan niya magtrabaho kahit senior na siya.
Pero sunod-sunod ang gastos, nalulunod ako.

Kahit anong pagsisikap ko, nawawala agad pera sa palad ko.
Sa totoo lang, iniisip kong tanggalin na monthly support sa kanila dahil sa sama ng loob ko.
12K din yun.

Naaalala ko yung kabataan ko - binabasag nila alkansya ko pag may emergency.
Niloloko pa ako at sasabihin ilalagay sa banko.
Syempre, di ko na nakita yung perang yun.
Sabay sisi pa sa akin ng nanay ko na may nagkakasakit dahil sa pag-aalkansya.

Sana di na lang ako nabuhay.
Sawa na ako maging kalabaw.

Early this month nagpaconsult ako sa psychiatrist.
Venlafaxin Hydrochloride at Quetiapine Fumarate binigay sa'kin.
Binili ko na supplies ko pero di ko na sinimulan.
Naisip ko baka di ko maituloy-tuloy dahil sa gastos.


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Venting Wala nang sinabing maganda si mama

3 Upvotes

Kagigising ko lang at panggabi ako. May dala sila mama na barbecue kaya nakiupo ako dun sa kusina para makikain. At sa less than 30 minutes na nandun ako nakikipagkwentuhan, eto na agad mga nasabi ni mama sakin:

  1. Parang numinipis na daw yung hairline ko.
  2. Lumapad daw yung mukha ko sa bangs ko.
  3. Tumaba na naman daw ba ako.

Pabiro ko na lang sinabi sa kanya na eto naman wala nang magandang nasabi. Sabay pasok na lang ulit sa kwarto.

2 weeks ago bumili ako ng barrel pants. 1 year ko nang gustong bilihin yun, very confident akong suot suot yun. Nung umuwi ako sabi nya ang laki ng pants mo. Ngayon nagddoubt ako if okay lang ba tingnan tuloy sakin yung pants.

Masyado ba kong sensitive pero lately narerealize ko na never ako nakarinig ng compliment galing sa nanay ko. Lumaki akong iniisip na ang taba taba ko kasi kada uuwi ako galing manila papuntang province sinasabihan akong ang taba taba ko na pero looking back sa mga pictures ko ng college, di naman mataba yung batang yun. Di lang talaga akong payat na payat.

Sobrang baba ng confidence ko.


r/PanganaySupportGroup • • 14h ago

Support needed The Weight of Being the Firstborn / Breadwinner

5 Upvotes

I’m crying right now. My brother sent me a message asking for help, and honestly, I’m not in a good place financially and emotionally either. Gusto kong tumanggi. I want to say no, pero ang bigat ng guilt na nararamdaman ko just for saying no. I’m also disappointed in myself for not being able to help.

It’s so hard being the firstborn and having the responsibility of being the provider for the family.

Before, I was genuinely happy to help them. Pero habang tumatanda ako, napapagod na rin ako sa kakabigay. And sometimes, I feel guilty for even thinking na ayoko nang tumulong.

I’m torn between the right thing to do and what I actually want to do. I know helping my family is important, and I know it’s the right thing to do. Pero sa totoo lang, I don’t feel like helping right now. Not because I don’t care, but because I’m tired, too. And somehow, I feel like a bad person for feeling this way. Ang hirap, ang bigat 😭


r/PanganaySupportGroup • • 20h ago

Support needed Pagod.

3 Upvotes

I got laid off from work. During this season. I'm tired. I don't know how to start again. I don't even know how to break the news to my mom. I haven't told anyone yet. Not my family. Not my friends. I've been sending out applications again.