First time ko manood ng mga lumang pelikula sa Youtube, yung mga 1960s na digitally restored, ito mga napansin ko.
Unang una sa lahat, ang sarap nilang pakinggan managalog, sobrang poetic, tapos yung accent ibang iba sa accent ngayon. Pinanood ko yung Heneral Luna, Goyo, at Quezon, hindi nila magaya yung paraan ng pananalita sa mga legit na lumang pelikula noon. Mga palabas ngayon sa TV, sobrang common na ng taglish, kaya nakakatuwa lang na makarinig ng mga nananagalog nang puro at walang kahalong english, para sakin parang may hiwaga kung pakinggan.
"Tanging Ikaw" (1968)
Panaog - Madalas nila itong gamitin pamalit sa salitang "Lumabas/Paglabas". Dahil panay matataas yung bahay noong araw at palaging may hagdanan, kaya sa halip na "Lumabas ng bahay", palaging "Pumanaog" ang gamit nila.
- "Maaari ba akong manaog mamayang gabi?" ang salin ay "Pwede ba akong lumabas mamayang gabi?" Linya ni Susan Roces.
- "Subukan mo lang pumanaog at malilintikan ka sa akin" Eksena to sa lalaking lasinggero na gustong lumabas at pumunta sa mga kainuman niya pero ayaw ng asawa.
- "Utang na loob, manaog ka na rito, baka kung ano pa sabihin ng tao" Ang salin naman sa linyang ito ay "Utang na loob, lumayas kana rito, baka kung ano pa sabihin ng tao" nga pala ang kyut kyut ni Susan Roces dito.
Kaliskis - Ito yata yung gamit nilang pamalit sa katagang "Kilatis??"
- "Marunong kang kumaliskis ng manok?" tungkol ito sa panabong na manok, si FPJ yung bida at parang marunong siyang kumilatis ng manok kung malakas ba itong ilaban sa sabungan.
"Baryo Eat Bulaga" origin name ng Eat Bulaga? Name ni Susan Roces sa pelikula is "Anastasia Walang Gulat" Bulaga? Gulat?
- 1968 yung pelikula, ngunit "Sinaunang panahon" ang tawag nila sa paraan ng panliligaw na pinagsisibak ng kahoy at paghaharana sa babae, bilang Gen Z para sakin sinaunang panahon na yung 1968 kaya medyo natawa ako kasi sa utak ko around 1970s or 80s ginagawa yung panghaharana o pagsisibak ng kahoy para sa nililigawan.
"Mga Reyna ng Vicks" 1958
Peksman - nagulat akong marinig yung salitang 'to, akala ko sa 80s or 90s lang ito nanggaling.
- "Hindi na ho ako nagsisinungaling, peksman oh." sabay pinaghook pa ng nagsalita yung dalawang hintuturo niya. - Sino nakakaalam ng Etymology nito?
"Nakikipagligaw" sa halip na "Nanliligaw"?
- "-na sinasabi kong, nanggagaling sa mga nakikipagligaw sa akin..." ang weird lang niyang pakinggan para sakin.
"Busabos" 1957
"Dangkasi" Hindi ko matandaan kung saang movie ko ito narinig, ngunit naalala ko ito madalas 'kong sabihin noong bata ako(around 2015), madalas ko kasi siyang marinig sa mga matatanda sa amin. Kaso noong namayapa na yung mga matatanda halos nawala na rin yung gumagamit niyan kaya natigil na rin ako gamitin. Akala ko dati samin lang ginagamit yan, ngunit nagulat ako nung marinig ko yan sa isa sa mga lumang pelikula.
Mga tagalog words pa na narinig ko sa ibang old movies ngunit hindi ko alam ang kahulugan. (Di ko rin sure kung tama yung pagkakarinig ko sa ibang words, yung movie kasi mahirap na maintindihan yung audio sa katandaan )
- Lingapin
- Pumapalatak
- Ipininid?
- Tumatalima
- Kapilia
- Lamerda? Lamyerda?
- Kalugodlugod
- Tungkil?
- Nagbibitaw ng pakapos
- Nagsasalita ng pakapos
- Pihikan
- pakikitalamítam
- Masatsat
- Nakakahili?
- Kinakalungya ka ng malas