Pinipilit ko naman talagang mahalin. And to an extent, hindi naman mahirap, lalo na pagdating sa pagkain, campus aesthetics, ung mismong pag-aaral. Pero kahit anong subok kong mahalin mga tao dito sa UP, di ko magawa.
Nakakapanlumo silang makasama dahil lahat nalang ata ng tao dito gustong may patunayan. Okay lang naman yon, pero tipong nakakaapak na sila eh. Ang baba-baba ng tingin nila sa kapwa nila. Hindi naman ako naghahangad na gawin niyo kong parang prinsesa, pero grabe naman. Basic human decency lang kailangan ko sainyo, tapos aapak-apakan niyo lang ako, eh pare-parehas lang naman tayong nakapasok sa university na toh.
Tapos, ang daming tao dito na puro kompetisyon ang hanap. Pataasan kayo. Ibababa kayo kahit di naman kayo nagmamataas. Para maitaas nila sarili nila sayo, gagawin nila lahat para ipahiya ka at iparamdam sayong sila ang mataas. Ung iba, ipapatronize ka parang bata. Ung iba, tataray-tarayan at eerapan ka pa kapag nag speak up ka sa maling pamamalakad nila ng grupo! Ung iba, tatawagin ka ng mga inferior na label para ma-establish na ikaw ung nasa ilalim at sila ang nasa itaas. Nasabi ko na ba ung ipapatronize ka parang bata?
Malapit na matapos ang sem pero wala pa kong nakilala dito na hindi sinubukang manliit ng kapwa. Totoo kaya ung sinasabi nila na porke nakapasok ka ng UP, nagyayabang ka na? Dati, naiinis ako sa ganyan eh. Pero ngayon gets ko na, may ilan talagang estudyante dito na kailangang ibalik sa lupa dahil nagiging masyado nang mahangin ah.
Hindi ko naman sinasabing lahat ng tao ganto sa UP. Marami lang. Nagkataon sigurong ang dami kong na encounter na ganun, pero ayun. Vent lang