Hi, I'm a 4th-year IT student. Our research is IoT, so hinati ko yung tasks ng group by pair since apat kami. Bale ako and si "B", while pair naman si "C" and "D" since friends naman sila. Inassign ko sa kanila yung hardware, then sa amin na yung app, prediction model, etc.
After a month of hearing na malapit na raw matapos yung hardware, nag-sawa na ako kakahintay. Turns out, wala pang 5% yung natatapos nila. So, we decided na mag-swap na lang ng tasks. Every afternoon, basta wala nang klase, ginagawa namin ni "B" yung hardware.
Fast forward, a few weeks before final exams, I decided to take over their task again. One month nang ginagawa ni "C" yung app (hindi active si "D"), pero wala pa ring maayos na output. They were using the prediction model na ginawa ko na dati, pero hindi pa rin nila mapagana yung app. Ilang beses ko na silang binigyan ng notes kung ano ang mali, dapat idagdag, tanggalin, at palitan, pero wala pa rin. Halatang AI lang gumagawa, to the point na hindi man lang nila alam kung tama ba yung ginagawa nila. Yung obvious na ngang mali, itatanong pa sa akin kung tama. Nakakainis kasi nililista ko na nga lahat ng kailangan ayusin, hindi pa rin magawa nang maayos.
Since kami na ulit ang nag-take over ng app, inassign ko na lang sa kanila yung ibang final projects namin. Ilang araw kaming nagpuyat ni "B" para matapos yung app. Guess what!!! After naming matapos, kami rin ang gumawa nung isa pa naming coding project kasi hindi nila ginawa habang busy kami sa app.
May isa pa kaming paper-based final project na Thursday ang deadline. Nung Saturday, tinanong ko sila kung tapos na kasi gusto ko sanang basahin. GUESS WHAT!!! Hindi pa pala nila ginagawa. After a few minutes, may sinend agad sila tapos sabi, "Hindi ko na nilagyan ng screenshot, di rin lang babasahin ni sir." EHHH SCREENSHOTS YUNG MAY POINTS DOON 😭😭. Ang dami pang parts na walang output. Kaya sinabi ko na tanggalin na lang nila names namin kasi uulitin na lang namin ni "B" at names na lang namin ang ilalagay. GANUN SILA KALALA!!!
Fast forward sa final defense. Sila na yung gumawa ng paper since wala na kaming time ni "B" dahil kami pa ang nag-asikaso sa app, ibang final projects, at improvements ng prototype. May Chapters 1 and 2 na kami dati, so dadagdagan na lang yung Chapter 2 at gagawin yung Chapters 3 and 4.
Guess what? Inupload lang nila sa AI yung existing paper at pinagawa na nila yung buong paper. Ang masama pa, binago ng AI yung tone at pati contents ng Chapter 1. During defense, napahiya lang kami kasi hindi man lang binasa nung dalawa yung paper. INIWAN PA NILA YUNG COMMENTS NG AI SA DOCUMENT 😭. May mga comments pa na "contradicted with the file you..." DIBA??? Pinasa naman kami, pero halos buong paper ang kailangang ayusin. So, kami na naman ni "B" ang gumawa. Halos nag-start ulit kami sa Chapter 1.
After namin matapos yung revisions, ipapacheck na lang sana sa adviser at magpapapirma na. Since nauna kaming ma-deploy ni "B" for OJT, sila na ang nag-asikaso ng signatures. Two weeks na siguro yun, pero hanggang ngayon wala pa rin silang napapapirma.
AND HERE'S THE WORST PART: FOUR DAYS NA LANG BAGO ANG DEADLINE NG HARDBOUND. Marami pang processes na kailangang gawin bago mapa-hardbound yung paper. No hardbound, no graduation. Malaki ang chance na hindi ako makagraduate this academic year dahil wala pa rin silang nagagawa sa part nila.
Imagine, halos lahat na ginawa namin ni "B", from hardware, app, prediction model, other final projects, hanggang sa revisions ng research paper. Tapos ngayon, possible na ma-delay ang graduation namin dahil sa hindi nila matapos-tapos mga task nila.
Naiinis ako sobra. Hindi ko alam kung paano ako magagalit o maiiyak sa situation namin ngayon. Ang unfair lang na kami yung nagbuhat halos ng buong research pero possible na hindi kami makagraduate on time dahil sa kanila.