Nagpaprint ako kanina ng manuscript ng thesis, and ang singil sakin ay 700 pesos for 28 pages, colored, short bond paper, and 5 copies. Transparent naman sila sa computation, 5 pesos per page. Pero ang di ko magets bakit 5 pesos per page? Eh, and pangit nga naman ng print, di naman makulay yung ink saka sa short bond paper naman yun e. This is from a shop na malapit sa school.
Meanwhile, nung nagpaprint ako kahapon ng same thesis din pero 27 pages and only one copy, dito sa computer shop malapit sa bahay, singil lang sakin e 39 pesos, thats 1.5 pesos per page, pinakita din sakin pagcompute. Mind you, pareho lang naman quality ng print and paper.
Wala, naiinis lang ako kasi bakit kailangan nilang dagdagan yung bayad just because it is a research paper. Saka nanghihinayang din ako sa binayad ko kasi 250 pesos lang naman binigay sakin na budget para sa pampaprint thinking na 1.5 pesos lang naman per page. Ayun nagastos ko bigla yung nakalaan sana na pambayad for thesis defense. I guess it was my fault din naman na hindi ko inexpect na may differences sa price kung saan magpapaprint. And its a lesson din naman to for me na magstick nalang dito sa malapit sa bahay para makamura lol.
I think i also remember a similar thing like this before sa pinaprintan ko dati. May middle aged lady na nagpaxerox ng id niya, i guess a requirement for something important. Tinanong nung nagxexerox yung may ari ng ng shop kung magkano daw. And i heard galing mismo sa bibig niya, 10 pesos daw kasi id daw yun and back to back. Huh?? I dont know lang kung how much sakanila magpaxerox ng 'normal' paper.